BAKIT masyadong magulo ang bansa natin?
Ito ay dahil sa katakawan sa kapangyarihan at inaabuso ng iilan lalong-lalo na ang mga pulis na scalawag na sangkot sa mga ilegal na gawain gaya ng holdapan, extortion, kotong at marami pang iba.
Hindi ko nilalahat, marami rin namang pulis na matitino.
Panahon na siguro na sibakin na sa serbisyo ang mga pulis na nagkakasala, ang nangyayari kasi nagkakaroon ng palakasan at nagkakaroon ng sabwatan dahil kabaro nila ang mga sangkot.
‘Yan ang masama, saan pa magtitiwala ang taong bayan?
Mukhang mahina talaga ang liderato ngayon ng PNP kaya sana naman may panahon pa para magbago ang mga pulis na naliligaw ng landas.
Hindi batayan na nagtapos ka sa magandang akademya kagaya ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy.
Sa mga pulis na mahilig magtanim ng ebedensiya kahit hindi totoo, huwag n’yo sirain ang career at pamilya ninyo.
Tandaan nyo,mabilis ang karma!
TULARAN ANG NBI
Sa NBI naman hindi matatawaran ng kahit anong kayamanan ang ginagampanan ni NBI agent Atty. Rizaldy Rivera at si NBI agent Atty. Joel Ajero na talagang maraming nalulutas na kaso partikular ang mga karumaldumal na krimen sa ating bansa.
Magagaling silang NBI agents.
Puyat at sakripisyo ang kanilang ginagawa at sila ay isa sa mga nagtataas ng bandila ng NBI.
Si Atty. Rivera at Atty. Ajero ay maituturing na isang agimat sa NBI.
‘Yan ang tinatawag na Nobility, Bravery at Integrity.
Mabuhay kayo NBI agents sa pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez.
BOC-POM INFORMAL ENTRY DIVISION TIBA-TIBA RAW NGAYON?
Grabe talaga ang katakawan daw diyan sa informal entry sa Bureau of Customs sa Port of Manila.
Marami raw kinasasangkutang kaso sa Ombudsman ang isang alias Umandap at masyadong inirereklamo ngayon ng mga broker at importer dahil daw parang tuwang-tuwa siya pag nakakakita ng kulay violet na papel.
Totoo kaya itong sumbong na ito?
Customs Comm. John Sevilla, paki-check po ninyo ang balitang tiba-tiba raw ang informal entry ngayon sa POM.
ANG MGA TUWID ANG DAAN SA BOC
Hindi rin matatawaran ang magandang pamumuno ni Collector Atty. Leovigildo Dayoja dahil sa kanyang magandang performance sa Assessment Division ng Port of Manila.
Talagang walang makalulusot na importer at Broker at talagang magbabayad ng tamang buwis para sa gobyerno.
Ang masasabi ko lang sa mga taga-Assessment sa Port of Manila at MICP keep up the good work at mabuhay kayo!
Ituloy lang ang kolekta ng buwis para sa magandang collection performance sa inyong nasasakupan.
Ganoon din ang BOC-NAIA District Office, sa maganda rin pamumuno ni Coll. Ed Macabeo kasama ang magagaling niyang opisyales na sina Coll. Francisco, Matugas, Coll. Emir Aseron, Coll. Kriden Balgomera, Coll. Manny Mamadra, Dr. Nerza Rebustes at marami pang iba.
***
Belated happy birthday pala sa aking kaibigan na si Atty. Jaime Cruz na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong September 11 at ang hardworking at walang makitang alingasngas sa kanyang tanggapan si kagalang-galang at kaaya-aya na si BOC Enforcement Depcomm. Ariel Nepomuceno na puring-puri ng mga business sector na nagnenegosyo sa Aduana.
Kakaiba talaga si DepComm. Nepomuceno.
Wala man lang kayabang-yabang sa katawan at napaka-down-to-earth at hindi man lang siya nakitang nakasimangot sa mga taong lumalapit sa kanyang opsina.
Tunay na sumusuporta sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy Aquino at Sec. Cesar Purisima at Customs Commissioner John P. Sevilla.
Keep up the good work Depcom Ariel and more power!
Belated happy birthday din sa aking panganay na anak na si John Jacob Salgado na nagdiwang noong September 8. Happy birthday anak, I love you at happy birthday din kay Mama Mary na ka-birthday ni John Jacob.
Si John Jacob, name-miss daw niya ang kanyang mga ninong sa pangunguna ni Hataw publisher at ALAM Chairman Jerry Yap at Peoples Tonight Columnist na si Vic Reyes. He he he!
God bless us all!
Jimmy Salgado