Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

David Blaine bumisita kay PacMan

PAGKARAAN ng matagumpay na palabas ng sikat na magician  na si David Blaine sa Smart Araneta Coliseum nitong Biyernes,  lumipad siya sa General Santos para bisitahin si Manny Pacquiao.

Bago pa ang pagkikita ng dalawang prominenteng personalidad, nai-post na ni David sa Instagram ang planong pagpunta sa General Santos nang mag-post siya ng larawan niya habang pasakay ng eroplano.

“On my way to meet somebody special in the Philippines,” ang nilalaman ng caption.

Ang tinutukoy niyang “someone special” ay lumabas muli sa Instagram na naka-post na ang larawan ni Pacquiao kasama si David at ang asawa ng Pambansang Kamao na si Saranggani Vice Governor Jinky Pacquiao.

“David Blaine visiting us today here at our home in Gensan,” pahayag ni Manny.

Isa sa naka-post na larawan sa Instagram ay ang pagkain ni David ng balut.

Kilala sa kanyang death defying stunts, si Blaine ay dumating sa Maynila noong Setyembre 10.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …