KUMADENA ng 10 panalo si chess olympiad veteran International Master Paolo Bersamina upang pabagsakin ng Letran ang San Sebastian, 3-1 sa juniors division ng 90th NCAA chess tournament sa Athletes’ Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.
May nilistang perfect 10 points ang 16 anyos na si Bersamina kaya naman nasa top spot ang Letran woodpushers.
Limang laro na hindi tumulak ng piyesa Bersamina sa pagbubukas ng nasabing event dahil kasama siya sa Phl team sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway nakaraang buwan.
Matapos ang 15 rounds, may nalikom ng 49 points ang Letran isang puntos na abante sa sumesegundong La Salle Greenhills na tinalo ang makulit na Arellano University 2.5-1.5.
Nasa pangatlong puwesto ang San Beda kapit ang 44 pts. matapos bokyain ang Jose Rizal, 4-0.
Sa seniors division, pinayuko ni Prince Mark Aquino si Viejay Porcalla sa board two upang iligtas ang Lyceum at makatabla sa Emilio Aguinaldo, 2-2.
Kapit pa rin ng LPU ang unahan matapos ilista ang 45 points.
Nakipagkasundo sa draw sina Jan Francis Mino at John Jasper Lacsamana kina Angelo Esteban at Brylle Salcedo sa first at fourth boards ayon sa pagkakasunod habang respectively habang pinagpag ni Macwaine Molina si Jonathan Jota sa board three upang itarak ang nag-iisang panalo ng Generals.
(ARABELA PRINCESS DAWA)