SINAMPAHAN ng kasong grave threats, grave coercion at direct assault ang isang retired police colonel at anim na bodyguards dahil sa pananakit sa isang ahente ng Federal Bureu of Investigation (FBI) nitong Lunes ng gabi, sa Pasay City.
Sinabi ni Chief Supt. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 3:00 p.m., nang pormal na isampa ang mga nabanggit na kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office laban kay retired Col. Odelon Ramoneda, 60, chairman ng V8 Security Agency, ng 98 Barangay Munting Batangas, Balanga City, Bataan, at sa anim niyang bodyguard na hindi pinangalanan.
Lumutang si Ramoneda, kasama ang mga bodyguards, kamakalawa sa Pasay City Police Headquarters matapos ireklamo ni FBI Special Agent Lamont Siler, na pansamantalang nanunuluyan sa U.S. Embassy.
Napag-alaman, sinaktan ng mga suspek si Siler dahil sa simpleng away trafiko noong Lunes sa Pasay City.
ni JAJA GARCIA