Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasko na kay Bistek!

082414 bistek press media

ni Letty G. Celi

FULL of happiness talaga ‘yung treatment ni Mayor Herbert Bautista na naganap two weeks bago natapos ang month of August. Ito ‘yung lahat ng entertainment press na nag-birthday simula noong January to September, isang masaganang lunch ang ginanap sa Sampaguita Pictures.

Isang bagong gusali sa bakuran ng dating gubat-gubatan ng Vera Perez Garden na noong ilang years na ang nakalipas na ang Sampaguita at Vera Perez Pictures ay aktibo pa sa movie making. Nariyan na ang Vera Perez Garden na nakatirik ang malapalasyong Vera Perez Ancestral house na ang pinaka-head ng pamilya at nagsimulang gumawa ng mga de kalidad na pelikula na mga original movie producers ay si Sen. Jose Vera at Mrs. Dolores H. Vera na nang maglaho sila, ang sumunod na producers ay ang mag-asawang Dr. Jose ‘’Pinggot’’ Perez at Mrs. Azucena ‘’NeNe’’ Vera Perez.

Ang mga anak ay sina Marichu (Manay Ichu) Pepito, Lilibeth, Bobby,at Chona. Those were the days. Nabanggit lang natin para sa mas young movie writers ngayon na wis knowing ang simula ng Vera Perez Garden na ngayon nga dahil hindi na aktibo ang nasabing very prestige movie production, ‘yung malaki at may apat na palapag na modernong gusali na pinagdausan ng birthday party for the movie press people ay former office ng yumaong si Dr. Pinggot. ‘Yan ang puntahan ng movie reporter para kumuha ng gate pass going the studio para maghanap ng artistang maiinterview kasi mahigpit ang gate guard ‘di ka basta makakapasok.

With the gatepass or letter signed by the late good Dr. Perez sa tabi ng office naman may canteen at diyan ginaganap ‘pag may presscon, birthday at sa Christmas party lahat ng movie reporter ay invited. And that time, walang datung, eat all you can at mamahaling gift ang take home. Hindi kasi uso ang datung. Si Lolit Solis lang ang may datung dahil tuwing buntis at manganganak, si Dr. Perez ay naggi-give ng tseke para sa kanyang hospital bills at expenses. ‘Yun lang!

Back to Mayor Bistek at sa pakikipagtsikahan sa movie press nag-nostalgia lang kami dahil may memories sa amin ang nasabing lugar. Happiness talaga for us. Sabagay hindi lang this year ginawa ito ni Mayor Bistek, ika-2nd year nang ginawa ito. Bale may part two ito para naman sa born ng October-December.

Maagang dumating si Mayor Bistek. Ang saya! Pasko na Kaya! Ang beloved Manay Marichu ang unang katalamitam ay movie press kasama kami. Love ko kaya si Manay Ichu. All out si Bistek sa interview, pictorial, selfie-selfie, walang pagod dahil handa siya. A busy public servant, kaya kahit isang araw para sa showbiz press na kapatid, kapamilya, at kapuso Hinde na nakaligtas ang naging past ng kamuntik ng relasyon nila ni Kris Aquino na naudlot nga!

Ibig  sabihin, hindi sila para sa isa’t isa. Pumasok sa interview ang pangalan ng friend ng showbiz press, si Tates Gana. Ito ang babaeng ina ng dalawang angel ng buhay ni Mayor Bistek, girl and boy na mga artista na rin ng Goin’ Bulilit ng ABS-CBN. Hay, naku anu be, walang patawad, ang press sa pag-uurat, eh. Kasi naman pagkakataon na ‘yun na mainterview si Mayor Bistek. Kailan pa ‘yun mauulit eh, napakahirap kayang humingi ka pa ng appointment dahil napaka-busy niya.

Maganda naman ang mga sagot sa tanong sa kanya regarding sa naudlot na relasyon kuno nila Kris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …