Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NU pep squad nanganganib sa UAAP cheerdance

081414 UAAP cheerdance

NALALAGAY sa balag ng alanganin ang title defense sa team at group stunts ng NU Bulldogs Pep Squad sa UAAP Season 77 Cheerdance Championships na magaganap sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ay matapos balutin ng inuries sa mga key performers ang koponan na nuon lamang nakaraang taon ay nagpahanga sa milyon-milyong cheerdancing fans.

Dahil kasi sa tindi ng preparasyon ng Bulldogs, nagtamo ng injuries sa ensayo sina mainstays John Cleon Cepillo, Justice Gimeno at Marnelli Calleja.

“Right now, we are really adjusting hard. Si John kasi suffered a bad sprain last Monday, days before the competition. Kaya nagbalasa kami ng tao sa mga stunts,” ayon kay Patricia Chunsim, team manager ng NU Pep Squad.

“Sina Justice at Marnelli, nagbanggaan sa ere while doing a routine. We had to rush them to the hospital. Good thing walang serious injuries. But hopefully they can still compete on Sunday,” dagdag pa ni Chunsim.

Bukod sa injury sa mga team event members, dagok rin para sa NU ang pagkaka-diskwalipika ng powerlifter na si Rev Lictana, na isa sa mga nakaagapay ni starflyer Claire Cristobal sa kaniyang pinag-usapang exorcism stunt sa group of five nung isang taon.

“Hindi nga daw po puwedeng sumali si kuya Rev. Siya pa naman po ang powerlifter ko,” malungkot na tugon ni Cristobal matapos na ilabas ng UAAP board na lagpas na sa eligibility si Lictana.

“Siya po kasi ang pinakabeterano sa team namin, kaya nga po medyo nag-aadjust na rin ako sa routine, kasi nawala si Kuya Rev. Malaking bagay po siya,” dagdag pa ng 18 year old Atlag, Malolos Bulacan pride.

Dahil dito, nag-re-realign ngayon ng performance routine ang SM group of companies backed NU squad.

“Wala eh. Kailangan kaming mag-adjust. Siyempre, kahit sabihin natin na matagal na sa pool B namin yung mga pumalit… hindi pa rin maipapalit yung months na na-ensayo sa team nung mga nawala,” ayon kay NU head coach Ghicka Bernabe.

“Kaya ngayon may ibang dating lifter, nilipat namin sa stunts. Yung mga bago, sa lift muna namin nilagay,” dagdag pa ng magandang coach.

Ang Bulldogs ang sinasabing paborito na kumupo ng kanilang first ever back to back title sa UAAP cheerdance wars lalo nuong isang taon ay umani ng impresibong 696.5 points ang kanilang Arabian themed routine para sa landslide win.

“May pressure naman talaga kami every year, may ganitong situation o wala. Siguro china-channel na lang namin sa positivity yung challenge,” kwento ni NU Pep Squad Precious Lorraine Chavez.

“Nakakalungkot nga po kasi four days before the competition, sunod-sunod ang injury namin. Kaya adjust na lang kami lagi,” ayon pa rito. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …