NAKATAYA ang unang puwesto at twice-to-beat advantage sa Final our sa pagtatagpo ng Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws sa pagtatapos ng kanilang elimination round schedule sa 77th UAAP men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sa ikalawang laro sa ganap na 4 pm, magkikita naman ang National University Bulldogs at La Salle Green Archers na kapwa naghahangad na tuluyang makapasok sa Final Four atmakaiwas s playoff.
Kapwa may 10-3 records ang Blue Eagles at Tamaraws samantalang may 9-4 karta naman ang Green Archers at Bulldogs.
Ang matatalo sa unang laro ay makakalaban ng magwawagi sa ikalawanglaro sa isang playoff para sa ikalawang puwesto at twiceto-beat na bentahe sa Final Four.
Sa kanilang unang pagtatagpo noong Agosto 3ay naungusan ng Blue Eagles ang Tamaraws, 1-78.
Ang Blue Eagles ay pinangungunahan ni Keifer Ravena na siyang leading conttender para sa Most Valuable Player award. Siya ay sinusuprtahan nina Von Pessumal at Chris newsome.
Ang Tamaraws ay sumasandig naman kina Mike Tolomia, Anthony Hargrove at Russel Escoto.
Nabigo ang Green Archers namaseguro ang tuluyang pagpasok sa Final Four nang maugusan sila ng University of the EWast Warriors, 68-66 noong Linggo.
Bunga ng panalong iyon aynagkaroon ng tsansa ang UE na makarating sa Final Four. Kung tatalunin ng UE ang University of Santo Tomas sa huling playdate ng elims sa Martes ay makakalaban ng Red Warriors ang matatalo sa La Salle-NUmatch para sa huling Final Four.
Tinalo ng La Salle ang NU, 57-55 noong Hulyo 23. (SABRINA PASCUA)