Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle, nag-e-effort magpaganda’t magpa-sexy dahil sa teenage crush ng asawang si Yael

091314 karylle yael

00 fact sheet reggeeDIRETSAHANG inamin sa amin ni Karylle Tatlonghari-Yuzon na selosa siya at kaya raw sobrang effort niya ngayong magpaganda’t magpa-sexy para sa asawang si Yael Yuzon na bokalista ng Spongecola.

“Rati kasi hindi ako masyadong concerned sa looks ko, simple lang, pero ngayong married na ako, kailangan kong maging look beautiful and I think need naman talaga ‘yun. Kaya good thing kinuha ako ng Status Salon as their endorser,” paliwanag ni K (palayaw ng TV host/singer).

Wala naman daw girls na nagpapapansin o nagpapa-cute kay Yael pero may teenage crush daw ang mister ni Karylle.

“Actually, sobrang na-challenge talaga ako kasi nga sa teenage crush niya (Yael) na teenage crush din naman ng mga kaklase ko (college) at naintindihan ko naman (kung bakit crush ng bayan),” pagtatapat ni Karylle.

Dagdag pa, “sobrang napapatingin talaga siya (yael) everytime na nakikita namin siya (crush) sa TV.”

At binanggit ni Karylle sa amin kung sino ang teenage crush ng mister niya at oo nga naman, may dahilan para mag-effort si Mrs. Yuzon na magpaganda’t magpa-sexy.

Natatawa pang kuwento ni Karylle, “nakita ko kasi na na-cover sa (men’s magazine) si (teenage crush) ginaya ko ‘yung suot niya at sabay naglinis ako sa bahay, wala lang gusto ko lang.”

At naaaliw naman daw si Yael sa panggagaya ng asawa niya sa kanyang teenage crush.

In fairness, maganda talaga ang crush ni Yael simula noong teenager siya na hindi na nawala hanggang ngayon Ateng Maricris dahil hot pa rin maski may edad na.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …