ni Letty G. Celi
MAS disciplinarian pala ang ina kaysa ama ng Tulfo Brothers na sina Ramon, Raffy, Erwin and Ben. Ang mga matatapang at walang kinatatakutang TV and broadcaster ng TV5.
Sina Erwin, Raffy, at Ben ay may daily noon time news program, ang T3. Reload. Sina Erwin at Cheryl Cosim sa Action, si Ben sa Bitay, si Kuya Mon mas active sa news paper or print media at take note, mga bayagan ang mga magkakapatid, meaning fighter, walang inuurungan basta totoo (katotohanan) sa programa nila, maging sino ka pa, ke pulis ka, ke barangay chairman pa, ke malaking tao ka, makapangyarihan, babarahin ka kapag sumabat ka sa sinasabi nila. Maghintay ka. Mapapahiya ka talaga.
Hinde sila lahat basta nasa lugar sila kasi sa kabila ng katapangan nila, ang mga puso nila ay kasing lambot ng mamon (pusong mamon). Sa apat, si Erwin ang maraming natikmang hagupit ng latigo mula sa kanilang ama na isang sundalo ng Philippine Army. Palo ang banat ng tatay nila sa kanilang magkakapatid. Ang ina nila na isang guro ang nagbibigay pangaral, mga salita ang estilo ng pagdisiplina.
Ang isa sa mga pangaral sa kanila ay pagbutihin ang kanilang trabaho, maging makatotohanan sa pagsusulat at pagbabalita. Sina Erwin at Ben ang mas una naming nakilala. Ang Tulfo Brothers ng TV5, kumbaga itong si Erwin with katotong Benjie Felipe ay may mga bagay-bagay na dahilan na sabihing big help sila sa mga pag-unlad ng news and current department ng TV5.
Pero katulong pa rin diyan ang ibang broadcaster like Raffy and Ben Tulfo, Lourd de Veyra, Paolo Bediones, TJ Manotoc, Cheryl Mercado, at iba pa. At very proud sila lalo si Erwin na dahil sa kanilang big boss na si Ms. Luchi Cruz lahat sila sa news department ay naging inspirado, masipag ang mga field reporter at maingat sa pagkalap ng mga balita sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ibang bansa.
Very strick daw si Ms. Luchi kailangan laging alert.
Inamin ni Erwin na napakahirap ng kanilang trabaho pero inspired dahil ‘yun ang gusto nila. Kumbaga sumunod sila sa sinimulan ni Kuya Mon na iniidulo nilang magkakapatid very risky ang trabaho, kaya kung banta, hindi raw mabilang ang dami. Ang armas ni Erwin ay dasal at ang pagmamahal ng asawa at anak. Ganoon!