Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DMFGPTCAI kinilala ng Manila City Council

00 kurot alex

NITONG Huwebes ay kinilala ng City Council ng Maynila ang Districts of Manila Federation of General Parents Teachers Community Association Inc. (DMFGPTCAI) bilang lehitimo at nag-iisang samahan ng mga magulang, teachers at komunidad.

Isa po ang inyong lingkod sa officers ng DMFGPTCAI.

Bago pa man kinilala ng Manila City Council ang DMFGPTCAI ay kinilala rin ito ng Department of Education NCR pagkaraan na maisumite ng mga opisyales ang mga rekositos .

At bilang lehitimong pederasyon, naglabas ng Executive Order (No. 63, series of 2014) si Mayor Joseph Ejercito Estrada na nagpapatatag sa existence ng samahan ng mga magulang, teachers at komunidad.

Siguro, doon sa tumututol pa na umano’y samahan daw sila ng tunay na PTA ay itigil na ang pagbatikos sa DMFGPTCAI. Sa halip ay makipagtulungan na sila para umabante na ang samahan na kakalingang tunay sa mga istudyante.   Kung tutuusin, ganoon din naman ang kanilang adhikain.

Kaya doon sa mga bumabatikos na dating mga opisyales ng nakaraang federasyon, at sinasabing DE FACTO ang DMFGPTCAI, posibleng mag-boomerang iyon sa kanila.

Sabi nga sa larong basketball, IT’S ALL OVER BUT THE SHOUTING. Dahil may sarili nang legal identity ang DMFGPTCAI dahil sa pagkakarehistro sa SEC, kinilala ito ng Department of Education, kinilala ni Mayor Estrada thru executive order at ito ngang huli—ang pagkilala ng City Council ng Maynila.

Ito ang boomerang na sinasabi ko:   Dahil sa minamanduhan ang lahat ng 103 public schools na mag-federate sa legal na pederasyon ang kanilang GPTA president sa pamamagitan ng DEPED ORDER 54, hindi nila puwedeng suwayin iyon.

At kapag sinuway nila ang mando ng DepEd na dapat ay mag-federate sila sa DMFGPTCAI, hindi sila mari-represent sa SCHOOL BOARD.   At pag nangyari iyon—paano na ang mga proyekto ng eskuwelahan?

Sino ngayon ang magmumukhang de-facto?

Ayaw ng pamunuan ng DMFGPTCAI na mangyari iyon dahil ang misyon ng samahan ay ang mapaglingkuran ang bawat eskuwelahan at siyempre ang mga istudyante ang dapat makinabang.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …