Monday , December 23 2024

Dialogue sa Palasyo nagmukhang ‘miting de avance’

091314 pnoy
MISTULANG State of the Nation Address (SONA) ang isinagawa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa ginanap na “Agenda Setting Dialouge” sa kaalyadong mambabatas, pribadong sektor at buong gabinete sa Malacañang kahapon. (JACK BURGOS)

‘NANILAW’ ang Palasyo sa tila “miting de avance” para sa 2016 elections sa ginanap na “paglalatag ng agenda sa mga kabalikat sa reporma” na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga.

Mistulang idineklara ng Pangulo kung sino ang kanyang mga kakampi at kaaway sa naturang pagtitipon na dinaluhan ng mga miyembro ng kanyang gabinete, kakamping mambabatas at civil society groups, ngunit inindyan ni Vice President Jejomar Binay.

“Alam po ninyo, hindi madalas ang mga pangyayaring ganito, na talaga namang nagtitipon ang pwersa ng reporma sa loob ng iisang bulwagan. Para na rin itong reunion: Napakarami sa inyo, matagal nang lumalaban para sa tama at makatwiran,” anang Pangulo sa kanyang talumpati.

“Ang mga kontra sa atin, magtutulak ng sarili nilang kandidato. Sa kanila nga po, na hindi natin kasama ngayon dahil kontra ang prinsipyo nila sa atin, ‘di ba’t natural lang din na kokontra sila sa lahat ng nagawa natin?” dagdag niya.

Gayon man, hindi pa rin tinukoy ng Pangulo ang mamanukin niya sa 2016 elections kundi hinimok ang kanyang mga opisyal at tagasuporta na ipagpatuloy ang mga ipinatutupad niyang reporma.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *