Saturday , November 23 2024

4 tsekwa kalaboso sa P2-B shabu (Laboratory, bodega sinalakay)

091314_FRONT

APAT na Chinese national ang naaresto nang salakayin ang isang shabu laboratory at warehouse na nagresulta sa pagkompiska ng 200 kilo ng shabu sa San Fernando City, Pampanga.

Makaraan ang isang linggong surveillance, armado ng dalawang search warrant, ni-raid ng operatiba ng PNP anti-illegal drugs ang sinasabing mega laboratory, 200 kilo ng shabu ang nakuha na tinatayang nagkakahalaga ng P2 bilyon.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Unit head, Chief Insp. Roque Merdegia, Jr., ang mga suspek na inaresto ay sina Jason Lee, Near Tan at Willy Yap mula sa sinalakay na warehouse sa Greenville Subd., San Fernando City.

Sa raid, nakuha sa loob ng kwarto, truck at sasakyang Montero ang 185 kahon ng shabu at 925 kahon ng pinaniniwalaang ephedrine.

Nahuli sa raid sa Richtown Subdivision si Ying Ying Hiang, alyas Sophia Lee, kasabay ng pagkompiska sa 200 kilo ng shabu.

Sinabi ni Merdeguia, nagpapatuloy ang imbentaryo ng kanilang mga tauhan sa nakompiskang shabu at mga gamit sa paggawa ng shabu.

RAUL SUSCANO

MAG-UTOL NA TULAK TIKLO SA 55 GRAMO NG SHABU

UMAABOT sa 55 gramo ng shabu, granada at mga bala ang nasamsam mula sa mag-utol na tulak sa isang raid ng mga tauhan ng Antipolo city police.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Honorable Judge Agripino Morga, executive jusge ng San Pablo City RTC Branch 29, sinalakay ng mga tauhan ni Rizal Police Provincial Office director Sr. Supt. Bernabe Balba, ang bahay nina Ferdinand at Crisanto Samoy.

Nakompiska ng raiding team ang dalawang smoke grenade, dalawang bala ng shotgun at tatlong rounds ng kalibre .22, shabu paraphernalia, at 55 gramo ng shabu.

Nakapiit sa detention cell ng Antipolo city police ang mga suspek.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *