Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 pulis-Malolos timbog sa kidnapping

MATAPOS maalarma nang malaman na nakabuntot na sa kanila ang mga operatiba ng Caloocan City Police, dalawang pulis-Malolos, Bulacan, na nahaharap sa kasong kidnapping ang sumuko sa kanilang opisyal, iniulat ng pulisya kahapon.

Agad dinala sa kustodiya ng Caloocan City Police ang mga suspek na sina PO1 Danilo Sytamco, Jr., at PO3 Xerxes Martin, kapwa nakatalaga sa Malolos Police Station.

Setyembre 8,  dakong 4:00 p.m. , katatapos lamang dumalo sa pagdiriwang ng Moon Cake Festival sa Malabon City, nang dukutin ng mga suspek ang Chinese national na si Lin Hanzhang, nanunuluyan sa Carriedo St., Sta. Cruz, Maynila, habang nasa ilalim ng Light Railways Transit (LRT), Monumento Station, Caloocan City.

Sa imbestigasyon, pauwi sa kanyang bahay ang biktima nang dikitan ng dalawang suspek saka sapilitang ipinasok sa puting sasakyan saka kinuha ang suot na mga alahas at pera.

Habang hawak ng mga kidnapper, humingi ng P10-milyon ransom ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng biktima na nauwi sa P3.5 milyon.

Habang hinihintay ng mga suspek ang magdadala ng ransom money, nakapuslit ang biktima na nakapagtago sa matalahib at liblib na lugar sa Bulacan hanggang makasakay ng jeep pauwi sa kanilang bahay.

Agad inireport sa mga pulis ang nangyari kaya inalarma ang puwersa para maaresto ang mga suspek pero bago pa isagawa ang operasyon ay sumuko na ang dalawa.

(ROMMEL SALES/MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …