ni Alex Brosas
TILA naggagayahan sina Marian Rivera at Heart Evangelista. At walang gustong magpakabog sa kanila, ha.
Nang mag-post si Heart ng picture ng Christian Louboutin wedding shoes, aba, hindi nagpatalo si Marian na nag-post din ng same brand of shoes na gagamitin niya sa kanyang kasal. Although magkapareho ng brand ay magkaiba naman ang style ng kanilang sapatos.
Sa post ni Aubrey Carampel ng GMA-7, sinabi nitong ang sapatos ni Marian ay two years ago pa binili sa Macau matapos unang mag-propose si Dingdong Dantes sa kanya.
Kung true, aba, lumalabas na lumang style na pala ang sapatos na iyon.
Ang inaabangan ngayon ng fans ay kung sino ang kukuning wedding dress designer ng dalawa. Tutal mayaman naman sila at can afford, bakit hindi sila kumuha ng international wedding designer katulad nina Vera Wang at Carolina Herrera na dalawa sa Top Ten Most Popular Wedding Dress Designers sa buong mundo? Kasama rin sa list sina Hayley Paige, Jenny Packham, Reem Acra, Ines Di Santo, Marchesa, Pronovias.