SIRANG-SIRA na ang imahe ng Philippine National Police sa sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis sa iba’t ibang krimen.
Pero marami parin namang matitinong pulis. Kaya huwag tayong matakot na lumapit sa kanila kapag kailangan natin ng proteksyon at magsumbong.
Gayunpaman, sa sunud-sunod na masasamang balita na kinasasangkutan ng mga pulis, kailangan na rito ang intsense cleansing.
Oo, hindi na dapat pinatatagal pa sa serbisyo ang mga notoryos na pulis laluna yung sangkot sa droga, hulidap, kidnapping, rape, illegal gambling at pambabangketa!
At yung mga AWOL, hindi na dapat ibinabalik pa sa serbisyo. Katulad nitong siyam na pulis na nanghulidap sa EDSA Mandaluyong City, apat rito (Joseph de Vera, Marco Polo Estrella, Oliver Villanueva at Allan Emlano) ay mga graduate pa ng Philippine National Police Academy (PNPA) at may rangko na Kapitan hanggang Major. Mga naka-assign sila sa QCPD at Caloocan Police.
Yung umambus sa ating national car racing champion na si Enzo Pastor, pulis-Pasay naman ang pumatay, si PO2 Angel. Sinuhulan lang daw ng P100K.
Nitong Sept. 2, tatlong pulis-Maynila naman ang nanghulidap ng mag-asawa sa Malate area. Ito’y sina SPO1 Cornelio Flores, PO3 Reynaldo Ferrer at PO3 Joel Agujo. P100K ang nadale ng mga ito sa mag-asawang Noel (seaman) at Josephine Panganiban.
Sa Las Pinas City, anim na pulis din ang isinumbong ng pangingikil at illegal detention. Ito’y sina SPO4 John Miranda, SPO2 Jerry Fernandez, SPO2 Jay de Guzman, SPO1 Sabon, PO3 Gil Anos at PO3 Hernan Pua. Ang kinikikilan nila isang obrero o karpintero lang!
Ito pa, nitong Linggo, isang station commander sa Pampanga ang natimbog ng PDEA sa pagtutulak ng shabu. Ito’y si Major Julius Caesar Sablang, hepe ng Dolores Community Police Action Center sa San Fernando, Pampanga. Miyembro siya ng PNPA batch 1994.
Remember Col. Hansel Marantan ng Laguna Police na nasangkot sa pang-a-ambush sa mga kalaban nila sa jueteng operation sa Laguna, PNPA graduate din iyon.
Marami pang opisyal ng pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen.
Kaya dapat talaga bago tanggapin sa PNP ang mga gusto maging police laluna opisyal ay kilatising mabuti ang pag-uugali ng applicants.
Tama ba ako, Chief PNP Allan Purisima, Sir!?
Reklamo ng mga empleyado
g Solaire Casino
sa kanilang manager
– Sir!, empleyado po kami ng Solaire Hotel and Casino. Nais lang namin makarating sa ma-nagement itong aming nararanasan sa ilang opis-yal namin sa departamento. Isang baklang mana-ger, Dennis ang pangalan, kasama ang mga alipores niya na sina Rachel, Karen, Maiko bakla at supervisor na si Beth kung tawagin, dito sa Solaire Hotel Resort and Casino sa Pasay City na taga-gawa ng mga schedule ng mga empleyado sa gaming department ang walang konsiderasyon at mahilig mamersonal sa mga empleyado. Lalo na sa mga taong hindi nito feel, pinahihirapan po nila sa schedule kahit na na-aprubahan pa ito ng ibang departmento dahil sa importanteng kadahilanan, pinahihirapan pa rin at hindi pinagbibigyan. Binabalewala nito ang desisyon ng ibang higher management, masu-nod lang ang sariling desisyon. Ayaw nila magtrabaho ng maayos. Isa sa mga kaso ay: Mayroong empleyadong inatake sa puso, tumawag ang kanyang pamilya sa scheduling dept. upang ipaalam ang nasapit ng kanilang kaanak. Subalit ayaw tanggapin ang tawag dahil kaila-ngan daw ang empleyado mismo ang tumawag para ipaalam ang sinapit. E paano po ito makatawag kung siya ay nakaratay sa ICU at may tubo sa bibig at walang malay? Saan ang konsiderasyon sa taong ganito ang kalagayan? Isa pa sa mga reklamo ay ang mga buntis na hirap at may mga medical condition, hindi rin nila ginagawan ng paraan kahit aprubado pa ito ng mga senior shift manager. Manganganak nalang ang empleyada isang linggo nalang, humihingi ng konsiderasyon para makasabay ang asawa dahil malapit na manganak pero hindi parin nila mapagbigyan. At isa pa, ang buntis na may sakit sasabihan na gumagawa lang ng dahilan. ‘Di ba’t ito’y nakababastos sa panig ng empleyado gayung nasa legal naman lahat ng proseso na ito? Ang mga may sakit na kailangan tumawag o mag-request dahil medical condition, hindi pinapayagan at kinukupal pa, kung ano ano pa ang masasamang sinasabi, lahat nalang kinuku-westyon. Gayong lahat ay aprubado at nasa legal na proseso. Mahilig sila mamersonal sa mga leave at schedule. Sana makarating ito sa kinauukulan at magawan ng aksyon ang mga ganitong gawain sa loob ng casino sa mga staff. – Concerned employee of Solaire Hotel, Resort and Casino.
Mabait sa mga trabahador ang may-ari nitong Solaire Hotel, surely aaksiyunan nila ito.
Anong nangyayari sa PNP, General Purisima? Sir!
Pulis nagsusuplay ng droga
sa Masinloc, Zambales
– Report ko lang po sa PDEA na nakakasakop dito sa Masinloc, Zambales. Talamak po ang droga dito at mismong mga pulis pa po ang supplier ng drugs at isang taong nakakulong pa sa Iba, Zambales ang nagmamaniobra. Sana po ay maaksiyunan agad ito.
Kawawa kasi ang mga kabataan dito sa Masinloc na biktima ng mga ipinagbabawal na gamot. Kawawa din ang mga magulang na hindi na nila kayang sawayin ang mga anak na natoto mag-drugs. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio