Saturday , November 23 2024

5 pang hulidap cops sumuko

SUMUKO na rin ang lima pa sa pitong isinasangkot sa naganap na kidnap-hulidap sa EDSA Mandaluyong City nitong Setyembre 1, 2014 na nakunan ng larawan ng isang netizen na nag-post sa Facebook.

Ngunit tumanggi pang pangalanan ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang sumuko.

Ngunit ayon sa isang opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan, personal na sumuko sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal kahapon ng hapon ang limang sina SPO1 Ramil Hachero, PO1 Mark de Paz, PO2 Ebonn Decatoria, pawang nakatalaga sa La Loma Police Station 1; PO2 Jerome Datiguinoo, at PO2 Weaven Masa.

Ang pagsuko ng lima ay upang linisin ang kanilang pangalan sa pagkakadawit sa pag-kidnap at paghulidap sa dalawang tauhan ng isang contractor, at tinangay ang P2 milyon ng mga pulis-QCPD na nakatalaga sa La Loma Police Station 1.

Samantala, patuloy na pinaghahanap sina Sr. Insp. Marco Polo Estrera, dismissed, Sr. Insp. Oliver Villanueva, at dalawa pang John Does.

Matatandaan, nitong Miyerkoles naunang sumuko kay QCPD District Director, Chief Supt. Richard A. Albano, si Senior Insp. Allan Emlano, isang pulis-Caloocan, para linisin ang kanyang pangalan makaraan idawit sa kaso ng kidnap-hulidap sa EDSA. (ALMAR DANGUILAN)

RECORDS NG HULIDAP COPS TARGET NG NAPOLCOM

HINAHALUKAY na ng National Police Commission ang records ng mga pulis na sangkot sa EDSA hulidap noong Setyembre 1 sa Wack-Wack, Mandaluyong City.

Binigyan ng isang linggo ni DILG Secretary Mar Roxas ang Napolcom para ibigay sa kanya ang records ng nasabing mga pulis.

Ayon kay Napolcom director Eduardo Escueta, hindi lamang ang records ng mga pulis na sangkot sa EDSA hulidap ang kanilang binubusisi kundi pati na rin ang iba pang mga pulis na nasangkot din sa mga iba’t ibang criminal activities.

Una rito, kinompirma ni Escueta na mayroon nang kahalintulad na EDSA hulidap na kaso sina PO2 Jonathan Rodriguez at SPO1 Hachuela noong 2011.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *