Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala sa mood mag-ayos dahil sa sobrang pagod?

ni Pete Ampoloquio, Jr.

Hahahahahahahahahaha! Kung si Billy Crawford ay na-‘praning’ dahil sa sobrang workload, ang gandaretch na lead actress naman ng isang topra-ting soap ay marami ang na-disappoint lately dahil sa kanyang damit sa isang eskalerang okas-yon ng mga artista na karamihan sa kanila’y talaga namang dressed to the nines to be most emphatic about it.

Ang kaso, ang ate nati’y parang aapir lang daw sa isang simpleng party or gathering kaya marami ang nang-okray sa klase ng damit na kanyang isinuot na parang pang-Talipapa lang daw talaga ang arrive.

Pang-Talipapa lang daw talaga ang arrive, o! Harharharharhar!

Well, we should learn how to give allowances to other people.

‘Yung iba naman kasi’y marami talagang oras magpaganda dahil wala na-mang masyadong ginagawa.

E, ang ate natin ay patang-pata nang tunay dahil sa walang katapusang pagte-taping sa kanilang toprating soap na Be Careful with My Heart with the very papable Richard Yap.

On the side, gumagawa pa siya ng pelikula, apart from some endorsements kaya patawarin na natin si Ms. Jodi Sta. Maria kung hindi siya naging mega glamorous that night.

At least naman, nakaaaliw ang acting niya sa Maria, Leonora, Teresa na pinagbibidahan din nina Iza Calzado at Zanjoe Marudo na ipalalabas na on September 17. This one’s under the competent direction of Direk Wenn Deramas and another quality offering of Star Cinema.

NAGPA-PRESSCON DAHIL SA BILBLASH!

Hahahahahahahahahaha! Very funny naman ang reaction ni Kristel Moreno sa non-stop bashing sa kanya sa internet dahil sa kanyang see through black gown na sinuot niya sa Star Magic Ball. Hahahahahaha!

Nalulukot lang daw ‘yung body stocking na suot niya kaya nagmumukhang bilbil from a distance.

Ang ending, nagpa-presscon ang lola habang tinitipa-tipa namin ang column na ‘to ever.

Hahahahahahahahahaha!

How so very amusing naman ever.

Anyway, maganda naman sana si Kristel sa kanyang mga kuhang pictures sa nasa-bing okasyon. ‘Yun nga

lang, talagang she has gained some unwanted poundage. The very reason why her body stocking appeared to have been crumpled from a distance.

Kung wala kang bilblash ateng, hindi naman malulukot ang iyong body stocking. Hahahahahahahaha!

Magdahilan ba?

‘Yung mukha mo na lang ay talagang malaman at bilugan at ang layo-layo naman sa itzu mo no’ng time na uso pa ang Daisy Siyete ni Ms. Joy Cancio.

Mukhang madatung ka na kasi, ateh, kaya lomobo na ang dati-rati’y mega slim mong panga-ngatawan.

‘Yung face mo nga ay hindi na oval kundi halos rounded na, ning. Hahahahahahahahahaha!

Ayaw ng mga fans nang ganyan!

Hinay-hinay kasi sa paglafang, my dear. Ikaw rin, being plump pa naman runs in the family.

Baka magising ka isang araw na sing-lapad na ng tita mong si Ms. Alma Moreno na noong araw ay talaga namang wah sa pagka-eat nang marami at bawal ang mga dessert ever.

Pero nang magkaasawa na, hitsurang pinagbigyan ang hilig sa lafang kaya bumilog na nang husto.

‘Yun lang!

NAGTATAMPO DAHIL NAMIMILI NA?

Kung sa mabait ay mabait naman talaga itong si Atty. Ferdinand Topacio.

As a matter of fact, for someone so popular and is but definitely one of the much sought after legal counsels in the country today, he is appealingly down to earth and sweet and so easy to approach.

But lately, bali-balitang namimili na raw ng iimbitahang press people sa kanyang mga intimate gatherings. Ows?

Could this be true, darling bff? Hahahahahahahahahaha! On our part, wala namang kaso kung hindi kami feel i-invite.

Prerogative niya ‘yun and who are we to go against his will?

After all, we’re living in a world of democracy and Atty. Topacio has the right to invite the people that he likes in his now supposedly fast becoming exclusive tete-a-tete with the press.

‘Yun lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …