Saturday , November 23 2024

Sa Ibabaw ng Lahat… Pag-ibig(Part 1)

00 ibabaw pagibig

LUMULUTANG LANG SA MUNDO NG BUHAY ANG ARTIST NA SI LEO

Artist si Leo. Sinasabi ng kanyang mga kaibigan na may sarili siyang mundo. Nakikita kasi niya ang ‘di nakikita ng karaniwang mata. Nadarama ang ‘di nadarama ng iba. Gayong kayaman ang kanyang imahinasyon. At bini-bigyang-buhay niya iyon sa pamamagitan ng pagpipinta sa canvas.

Nangungupahan siya sa isang pinto ng isang tersera klaseng apartment sa Maynila. Pahaba ang kayarian niyon. Sama-sama na ang lahat – munting silid-tulugan, kusina, komedor, CR at sala na ginawa niyang studio. Amoy pintura ang kanyang tirahan. Makalat ang pali-gid. At wala sa kaayusan ang mga bagay-bagay na makikita roon.

Nangagsabit sa sampayan ang kanyang marurumi at nilabhang mga kasuotan. Nakatengga sa lababo ang mga hugasing gamit sa hapag-kainan. Pinagpipistahan ng mga ipis ang mga mumo ng kanin na nangalaglag sa sahig sa ilalim ng mesitang kainan. At kundi sa pusang gala na mahilig mangapitbahay, malamang magpugad sa kusina ang malalaking daga. Kasabihan nga: Mahirap sa isang bahay ang walang babaing nananahan.

Kung magulo man ang tirahan ni Leo ay lalong walang direksiyon ang kanyang buhay. Happy-go-lucky siya. Nagbababad siya sa mga bahay-aliwan kapag nakahahawak ng malaki-laking pera. At kapag may natipuhang babae ay dinadala niya sa nirerentahang tirahan. Nagbabayad siya para sa isang panandaliang kaligayahan. At parang kontento na siya nang pagayon-gayon na lang,

Hang-out niya sa gabi ang isang videoke bar sa Timog area ng Kyusi. Tulad nang dati, nakipag-jamming siya ng kantahan at tunggaan ng beer sa ilang piling kaibigan. At dahil siya na lamang ang wala pang asawa sa kanilang bar-kadahan ay minsan pang nadalirot ang kanyang love life ng mga mapang-urot.

“Hindi ka pabata, P’re… Bakit ba ayaw mo pang mag-asawa?” naitanong kay Leo ng isa sa mga kainumang kapwa pintor.

“Pa’no akong magkakaasawa, e, wala naman akong girlfriend,” aniya makaraang makalagok ng beer sa botelyang nagyeyelo sa lamig.

“Kung ‘di ka manliligaw, talagang mabo-bokya ka nga…” segunda ng kausap niya.

“Hindi pa yata ipinapanganak ang tsikas na magpapa-rakenrol sa puso ko, e,” aniya sa pagbibiro. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *