Wednesday , December 25 2024

Pagkatapos ng kartel sa bawang, luya naman!

00 firing line robert roqueNANG tapusin ng Department of Justice (DoJ) sa buwan kasalukuyan ang pagsisiyasat sa laki ng itinaas ng presyo ng bawang sa merkado noon pang Hunyo, nakararanas na tayo ng malaking pagdadagdag sa presyo ng isa pang produkto – luya.

Sa loob lang ng ilang buwan, ang presyo ng isang kilo ng luya ay tumaas mula P40 hanggang sa mahigit P300. Habang isininusulat ito, ang presyo ng luya sa palengke ay P380 na kada kilo.

Dapat itong imbestigahan. Kung ayaw nating mag-amoy bawang, ayaw din natin mag-amoy luya. Pero sino mang tao o grupo na magmanipula ng luya sa palengke tulad ng ginawa sa bawang ay hindi puwedeng kunsintihin. Tulad ng bawang, may kartel ba para sa luya na hindi pa alam ng mga awtoridad? Ang karanasan sa bawang ay dapat magpagising sa administrasyon upang maging mapagmatyag sa lahat ng oras.

Dapat kumilos ang gobyerno sa pagtataas na ito nang mas mabilis kaysa ginawa nila sa presyo ng bawang. Pinaimbestigahan ng Pangulo nang umabot sa P287 kada kilo ang presyo ng bawang noong Hunyo. Puwede siyang maglabas ng katulad na rekomendasyon at umaksyon nang husto sa pagkakataong ito. Natuklasan ng DoJ ang “modus operandi” ng isang kartel na kontrolado ng apat na tao na nakipagsabwatan sa mga opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Plant Industry, na naging dahilan sa pagtataas ng presyo ng bawang.

Dahil sa mga butas sa sistema ay nagawa raw ng miyembro ng kartel at negosyanteng si “Lilia M. Cruz,” na kontrolin ang karamihan ng importasyon ng bawang at manipulahin ang presyo nito. Habang kumakalap ng karagdagang ebidensya ang NBI ukol dito, inaasahan ba nilang magpapakatanga ang mga tao at opisyal na binanggit sa garlic report ng DoJ para maupo at maghintay hanggang maaresto sila? At habang abala sila sa problema sa bawang, ilang tao ang tiyak na kikita nang malaki sa luya sa palengke.

Kung ginagawa nang tama ng kinauukulang mga opisyal ang kanilang trabaho, ang presyo ng bawang at luya ay hindi tataas nang todo. Dapat bigyan ng higit na atensyon ng gobyerno ang mga bagay na nakaaapekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay, gaano man kaliit itong tingnan at marahil, bawas-bawasan ang pagpuntirya sa maaaring makalaban sa politika sa 2016.

***

Ang mga mamamayan ang muling magdurusa sa pagtataas ng koryente mula sa kasalukuyang P6.287 kada kilowatt-hour hanggang sa P6.80 kada kWh, kung ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ay puwersahang pagbabayarin ng mahigit P60 bilyon bilang kompensasyon sa kasong isinampa ng mga dati niyang empleyado.Inutusan ng korte ang PSALM na bayaran ang danyos sa mga tinanggal na empleyado sa reorganisasyon ng National Power Corporation noong 2003. Ang malaking kompensasyon ay makaaapekto raw nang husto sa araw-araw na operasyon ng mga planta ng koryente sa Luzon at Visayas.

Para makabawi ay magpapatupad ang PSALM ng karagdagang P0.5143 kada kWh sa babayarang koryente buwan-buwan sa loob ng limang taon, na bababaan pa sa P0.2616 sa susunod na limang taon. Bakit nila babawiin sa mga consumer, na walang kinalaman sa desisyon ng PSALM kaugnay ng kanilang mga empleyado? Hindi nila malalabanan ang anumang pagtataas sa singil sa koryente, maliban na lang kung gusto nilang ma-blacklist at gugulin ang kanilang mga araw sa kadiliman.

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

ni Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *