Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nainip kaya iniwan ang presscon ng Trenderas?

091114 nora aunor Trenderas

00 SHOWBIZ ms mISANG bagong programa na naman ang matutunghayan ngayong Sabado (Setyembre 13) 9:00 p.m., sa TV5, ito ay ang Trenderas, isang musical-drama comedy serye na pagbibidahan nina Isabelle de Leon, Katrina ‘Suklay Diva’ Velarde, at Lara Maigue.

Kasama sa seryeng ito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang natatanging pagganap bilang si Celestina Cruz, isang sikat na mang-aawit na huhubog at magiging inspirasyon ng tatlong “Trenderas” girls.

Ginanap ang presscon ng Trenderas noong Martes ng gabi sa TV5 Reliance Center. Pero bago naganap ang presscon may nangyari na palang hindi maganda.

Ayon sa tsika, dumating ng 4:00 p.m. si Ate Guy sa naturang venue. Ang call time ng presscon ay 6:00 p.m.. Natural, maaga si Ate Guy ng dalawang oras para sa presscon proper na tama lamang daw para sa mga artistang tulad niya dahil aayusan pa raw sila. Pero ang siste, nainip yata si Ate Guy kaya bigla itong nag-walk-out o umalis at iniwan ang presscon nang makitang wala pang press people.

Kaya naman nang presscon proper na at nang tanungin namin kung nasaan si Ate Guy, biglang napasimangot ang aming kausap na tila ba na-badtrip sa biglang pag-eskapo ni Ate Guy.

Hindi lang malinaw sa amin kung alam ni Ate Guy na 6:00 p.m. talaga ang presscon.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …