Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM at Jessy, nagkabalikan na!

091114 jm jessy 3 091114 jm jessy 2 091114 jm jessy

NOONG Martes ng gabi ay ipinagdiwang ni JM de Guzman ang kanyang kaarawan somewhere in Quezon City. Dinaluhan iyon ng kanyang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan sa showbiz. At siyempre naroon ang kanyang special girl na si Jessy Mendiola.

Sa mga larawan naming nakuha, hindi maipagkakailang kilala at malapit si Jessy sa pamilya ni JM. Kitang-kita ang pagkagiliw ng aktres sa magulang, lola, at mga pinsan ni JM. Patunay na kilalang-kilala ng partido ni JM si Jessy.

Sa party, dumalo ang mga malalapit na kaibigan ni JM tulad nina Ynna Asistio, Carlo Aquino, Ping Medina, Alwyn Uytingco, Joros Gamboa, at Lloyd Zaragoza. Naroon din ang ABS-CBN Drama Business Unit head na si Direk Ruel Bayani na siyang namamahala sa kasalukuyang seryeng nilalabasan ni JM, ang Hawak Kamay.

Sa mga larawan pa rin, makikita kung gaano kasaya at ka-sweet sina JM at Jessy. Kaya naman masasabing, nagkabalikan na nga ang dalawa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …