Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jed Madela’s All Request 2, bukas ng gabi na!

073014 jed MADELA

00 SHOWBIZ ms mBUKAS ng gabi na matutunghayan ang napakagandang boses ni Jed Madela sa pamamagitan ng kanyang All Requests 2 na gagawin sa Music Museum, 8:00 p.m.. Special guest niya rito ang sinasabing susunod sa yapak niyang si Darren Espanto.

Samantala, itinalaga naman si Jed ng NCCA (National Commission on Culture and the Arts) bilang representative ng OPM Music Industry Sector. Bale binigyang kapangyarihan si Jed para maging boses ng music sector sa mga proyekto at suportang ipututupad ng gobyerno sa pamamagitan ng NCCA.

Magiging bahagi rin siya ng Executive Council of the National Committee on Music. Kaya naman nasabi ni Jed na proud siya at honored sa pagtatalaga sa kanya ng NCCA.

Binigyang linaw din niyang hindi magiging conflict sa current set up ng OPM na pinamumunuan ni Ogie Alcasid ang pagkakatalaga sa kanya at mga gagawin niya sa NCCA. Aniya, mas malaking tulong ang pagsasanib-puwersa nila ni Ogie sa OPM para mas maaksiyonan ang kung anumang problema mayroon ang OPM.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …