FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw noong Lunes na walang planong magdemanda ang may-ari ng Belo Medical Group na si Dra. Vicki Belo sa nagbebenta ng tabletang pampapayat online.
Tila nagbago na ang desisyon ni Dra. Belo dahil tumawag siya sa amin noong Lunes ng gabi at sinabing, “hi Reggs, I’m planning to sue na, kasi lumalaki na at dami na nagtatanong, so para matapos na ‘to, I will sue na lang, don’t mention na lang the name baka sumikat pa.
“At first it was Ruffa (Gutierrez) ang ginagamit nila, pati pala si Jinky (Pacquiao) din. Ang ginagawa nila, ikakabit nila ‘yung mga picture ng Belo endorsers doon sa tabletang ibinebenta nila at para masabing effective, iko-quote pa nila, like si Ruffa, ‘di ba na-fire out ko nga dahil she told something.”
Paalis patungong Paris si Dra. Belo at pagbalik niya ay at saka raw niya ipaaayos sa abogado niya ang tungkol dito.
ni Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
