Monday , December 23 2024

Apela sa Kongreso BBL ipasa agad — PNoy

091114 bangsamoro pnoy
SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusumite ng Borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) nina Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Iqbal at Secretary Teresita Quintos-Deles kina Speaker of the House Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon sa turn-over ceremony sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

UMAPELA si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Kongreso na agarang ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ginawa ng Pangulong Aquino ang panawagan kasabay ng ceremonial turnover ng panukalang batas sa Malacañang na dinaluhan ng mga lider ng Kamara at Senado.

Sinabi ni Pangulong Aquino, nauunawaan niyang dapat masuri ang panukalang batas ngunit sana ay huwag nang patagalin.

Ayon kay Pangulong Aquino, sa ganitong paraan mabibigyan nang sapat na oras ang mga kapatid na makapaghanda at tuluyang mapalago ang ipinunlang pagbabago sa pamamahala sa Bangsamoro.

Tinitiyak ni Pangulong Aquino na pinanday ang Bangsamoro Basic Law upang maging makatwiran, makatarungan at katanggap-tanggap sa lahat, Moro man, Lumad o Kristiyano.

BBL TITIYAKING BATAY SA KONSTI – SEN. KOKO

PANGUNGUNAHAN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbusisi sa isinumite ng pamahalaang Aquino na borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso kung hindi ito lalabag sa kasagraduhan ng Konstitusyon at sa umiiral na mga demokratikong proseso sa bansa.

Ikinalugod ni Pimentel ang hakbang bilang pagsulong ng pananalig lalo sa bahagi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil bilang taga-Mindanao, dadaan ang BBL sa pagbusisi ng publiko tulad ng ibang batas lalo’t sangkot ang paghahati ng kapangyarihan at kayamanan ng pamahalaan at ng panukalang Bangsamoro regional government.

“Ang aksiyon lamang na magsadya sa Kongreso at kumilos para pumasa ang BBL ay isang makabuluhang hakbang para sa MILF na pinakamalaki at pinaka-organisadong sesesyonistang grupo sa Mindanao,” ani Pimentel. “Titingnan nating mabuti ang mga probisyon ng batas base sa umiiral na sa bansa tulad ng Local Government Code at lalo pa ang Konstitusyon. Dapat maging bukas ang isip ng lahat at pakinggan ang panig ng lahat ng kasangkot upang manatiling konstruktibo, mahinahon at demokratiko ang mga diskusyon kaugnay nito.”

Bilang tagapangulo ng mga komite ng repormang panghalalan at katarungan sa Senado, idiniin ni Pimen-tel na pag-uukulan niya ng pansin  ang mga probisyon kaugnay sa mga estruktura, gawain at kapangyarihang pampolitika ng Bangsamoro regional government at ikokonsidera kung paano na ang panukala niyang Bigger Pie, Bigger Slice na paghahati sa mga kita ay pakikinabangan ng mga komunidad sa Bangsamoro.

Sa deliberasyon ng BBL
MISUARI IIMBITAHAN NG SENADO

AANYAYAHAN ng Senado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang ibahagi ang kanyang mga kaisipan sa gaganaping pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Sa turnover ceremony sa Palasyo ng BBL draft sa Kongreso, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, binabalak nilang pansamantalang ipasuspinde ang warrant of arrest laban kay Misuari upang makadalo sa deliberasyon ng Senado sa BBL.

Si Misuari ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong rebelyon bunsod ng sinasabing pagpapasimuno ng Zamboanga siege noong Setyembre 2013.

Naniniwala si Marcos na magiging ganap ang tagumpay ng kapayapaan sa Mindanao kung parehong kalahok sa proseso ang MILF at MNLF.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *