NAIMBIYERNA ang fans ni Angel Locsin nang magpatutsada si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account. Agad nilang naisip na ang idol nila ang pinasaringan ng dyowa ni John Lloyd Cruz.
When Angelica tweeted, “Te… Ang comedy, may tamang pasok…’Wag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin,” nagwala kaagad ang Angel’s fan.
In case nakalimutan na ninyo, nagkaroon ng issue between Angel and Angelica nang gumawa sila ng fight scene sa isang movie noong 2012. Nagkasakitan ang dalawa sa isang eksena. May isang kampo na nag-claim na sobrang sampal at sabunot ang inabot niya at parang pinersonal ang kanilang screen catfight.
“Si Angel Locsin ba pinaparinggan mo?”, tanong ng isang fan na sinagot naman ni Angelica ng, “Agad?!”
Ayaw paawat ng isang fan na nagtaray kay Angelica at sinabing, “insecure lang? Move-on move-on din pag may time. #IfYouKnowWhatImSaying.” Hindi ito pinalampas ni Angelica na kaagad sumagot ng, “Haha! Ikaw kaya mag move on. Affected.”
Later, nagtaray na sa tweet ang aktres and said, “Malala na kayo. ‘Wag niyo kami gawan ng issue ni angel. Matagal na kaming okay.”
In the end, lumalabas na si Pooh pala ang pinatututsadahan ni Angelica sa kanyang tweet.