ANO man ang maging desisyon sa huling hirit ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para makalaro si naturalized player Andray Blatche sa Gilas Pilipinas sa gaganaping Asian Games sa Incheon Korea sa darating na Setyembre 19 ay magiging handa si coach Chot Reyes.
“We’re Ready to even if All-Filipino in Asian Games” saad ni Reyes.
Kakausapin ng SBP ang Olympic Council of Asia (OCA) para pagbigyang makalaro si Blatche sa Gilas.
Dahil sa rule of eligibility kaya hindi pinayagan ng OCA na makalaro si 6-foot-11 Blatche na napirmahan ang kanyang naturalization noong Hunyo.
Sa constitution ng OCA( Article 49) kailangan may three-year residency ka sa lalaruan mong bansa.
Kamakailan lang ay tinulungan ni Blatche ang Gilas na pahirapan ang mga matitikas na bansa FIBA Basketball World Cup sa Seville, Spain.
Samantala, ayon kay South Korean basketball legend Shin Dong-Pa, isa sa mga paborito sa Asian Games ang Gilas Pilipinas.
Si Shin Dong ang highest scorer sa Korea ng sumabak sila sa 1970 FIBA World Championship.
Isa si PBA legend Robert Jaworski ang kanyang nakalaro sa kapanahunan niya. (ARABELA PRINCESS DAWA)