Wednesday , December 25 2024

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part26)

00 puso rey

ANG WAKAS NI ELLAINE AT ANG LIHIM NI JIMMY JOHN SUMAMBULAT SA PAGSABOG NG EROPLANO

“Nasa hustong gulang na tayong dalawa. Isa pa, ikaw naman talaga ang manok ni Mommy para manugangin niya, e,” katwiran niya.

Ano ba’t basta na lang siya pinaghahalikan sa batok ni Arman.

“Ano ka ba naman? ‘Yoko ng PDA… eskandalo-publiko ‘yan,” tawa niya sa paglabas nila ng opisina ng alkalde na nagkasal sa kanila ni Arman.

“Sabi mo, manok ako, e, ‘di pinagtutuka kita…” pagpapatawa nito na korning-korni.

At nagkatawanan ang dalawang bagong kasal …

Kinayag si Yumi ni Arman na bisitahin nila ang ipinapagawa nitong bahay. Patapos na iyon. Pintura na lamang ang kulang sa kanilang “dream house” at pwede na nilang panirahan.

Noon tinawagan si Yumi ng kanyang abogado upang ibalita na kaninang umaga ay nakalipad na palabas ng bansa si Jimmy John kasama si Miss Ellaine na kinasuhan niya ng rape.

“Atorni, paano pong nangyari ‘yun, e, may request tayong hold departure order laban kay Miss Ellaine?” naitanong niya sa abogado.

“Masyadong mabagal ang justice system sa atin… Hindi nila agad naaksiyonan ang request ko,” sabi ng abogado ng kompanyang pinagli-lingkuran ni Yumi.

“Justice delayed is justice denied…” bulalas niya sa panlulumo.

Halos ma-high blood si Yumi sa pagkadesmaya. Pero pilit niyang kinalma ang sarili upang hindi na magambala si Arman sa ano pa mang negatibong reaksiyon na maaari mapansin sa kanya.

Kinabukasan, isang malaking balita ang gumimbal sa apat na panig ng daigdig: “Jimmy John, Kabilang Sa Mahigit Isangdaang Pasahero Ng Sumabog Na Eroplano.” Nabanggit din sa balita na hindi rin nakaligtas sa nasabing trahedya ang personal secretary ng singer/pianist na si Miss Ellaine.

Gayonpaman, ang higit na ikinabigla ng publiko sa balitang iyon ay ang pagkatuklas ng mga awtoridad na nag-imbestiga sa sumambulat na eroplano sa himpapawid na “si Jimmy John ay hindi mortal na tao kundi isang cyborg na likha ni Dr. Ronald Roosvelt Robinson” na sinasabing “Father of Modern Robotics.

Nabasa rin ni Yumi sa isang pang-umagang pahayagan ang kalunos-lunos na insidente na kumitil sa buhay ng mahigit sa isangdaang katao, gayundin ang pagkalantad sa pinagkatago-tagong lihim ng isang Jimmy John.

Matapos matunghayan ang mga nilalaman ng pahayagan ay ipinabasa rin ni Yumi kay Arman ang balitang iyon.

“Siguro naman, katiting man ngayon, e, ‘di ka na magseselos sa Jimmy John na ‘yun…” ngiti niya sa pagyakap sa kanyang butihing mister na si Arman.

“Talaga! Ngayong pang por kilo na lang ang halaga niyon…” ganting-ngiti na nangurot sa pisngi niya.

Minsang naging hangal sa pag-ibig si Yumi. Napaibig siya noon sa isang Jimmy John na ang puso ay yari sa metal na walang pintig ng pag-ibig…. (Wakas)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *