Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, namimili na ng kaibigan?

091014 kathryn

ni Roldan Castro

HOW true na nagbago na si Kathryn Bernardo at namimili na ng kaibigan since na maging Teen Queen?

Kumakalat ang tsikang may tampuhan sila ngayon ng long–time friend niyang si Miles Ocampo. Wala na raw update sa kanilang social media account na magkasama silang dalawa.

Itinanggi ni Kath na may gap sila ni Miles. Hindi lang daw sila nagkikita dahil nag-i-school si Miles at abala pa sa Luv U at Home Sweetie Home. Pareho raw silang busy.

Kahit si Julia Montes ay hindi  raw sila nagkikita at wala namang isyu.

“‘Pag may time talaga we make sure naman bibigyan namin ng time ‘yung isa’t isa pero wala kaming away or anything. Kasi hindi na rin naman ako masyado active sa ganyan (social media) pero ngayon tina-try ko naman maging active. And nami-misinterpret lang siguro ng mga tao pero wala naman,” pahayag  niya.

Speaking of Miles, nakitaan  sila ng chemistry  ng PBB All IN ex-housemate na si Manolo Pedrosa nang mag-guest noongvSunday sa Luv Unang huli. Bakit hindi subukan na i-love team ang dalawa sa Luv Unbaka mag-click? Mukha kasing may ‘magic’ sa dalawa, eh!

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …