Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, hindi apektado ng kasikatan nina Daniel at James!

091014 daniel jake james

ni John Fontanilla

HINDI raw apektado si Jake Vargas kung hindi na siya ang itinatapat kay Daniel Padilla kung hindi si James Reid na kung popularity ang pag-uusapan.

Ani Jake nang makausap namin sa Gawad Kabataan Mall Show na naging espesyal na panauhin ang Kapuso young actor, “Hindi naman, kasi pana-panahon lang naman ‘yan. Kumbaga ako trabaho lang naman ang gusto ko at ayaw ko yung ikinukompara sa iba.

“Basta may trabaho ako okey lang hindi ko iniisip na sikat ako o kaya kailangan mas sikat ako sa iba.

“Mahirap kasi na ikinu-kompara mo ‘yung sarili mo sa iba, mas maganda na magtrabaho ka na lang ng maayos para dumami pa ang trabaho mo.

“At saka ‘yung ibang tao lang naman ang nagsasabi na ako raw ang counterpart ni Daniel sa GMA 7 pero hindi ko iniintindi ‘yun at iniisip. Kasi ayoko talaga na parang pinagkukompara kami kung sinong angat at sinong hindi.

“Kasi alam ko naman na si Daniel trabaho rin ang gusto katulad ko para sa pamilya namin.

“Kaya kung sinasabi nila na si James Reid na ‘yung ka-level ngayon ni Daniel okey lang ‘yun walang problema sa akin, kasi ni minsan naman hindi ko pinasok sa isip ko na ka-level ko si Daniel dahil alam ko naman na panahon ni Daniel ngayon at sikat talaga siya.

“Ang mahalaga naman kasi nandyan ka pa sa kinatatayuan mo at hindi ka nawawalan ng proyekto at marami pang tao ang nagtitiwala sa ‘yo.

“Ako naman kasi hindi ko iniisip na angat ako, mas gusto ko ‘yung dahan-dahan lang .

“Basta ako kung anong mayroon ako happy na ako roon, ‘di ko kailangang makipag-compete sa ibang kapwa ko artista.

“Ako kasi ‘yung tipo ng tao na masaya kapag may nakikita akong umaangat at magiging inspirasyon ‘yun para umangat din.

“Dapat tulungan dito at hindi ‘yung pagalingan o pasikatan, kapag ganoon kasi ang iisipin mo baka away ang puntahan mo ha ha ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …