ni John Fontanilla
TIYAK maraming kababaihan at kabadingan ang mag-aabang sa pagrampa ni Dennis Trillo ng naka-brief sa Bench Naked Truth sa Sept. 19, SM MOA Arena.
Kung noong mga nakaraang taon ay naka-pants at topless si Dennis, ngayon ay handa na siyang maging mas daring. Ito na nga marahil ang inaabangan ng lahat sa mahabang itinakbo ng career ng aktor dahil ito ang kauna-unahang mapapanood siya na naka-underwear.
Ani Dennis, “Lalo na ngayon, nag-e-endorse kami ng Bench Body, so requirement ‘yun, eh. Bench Body ‘yun, eh, alangan namang hindi mo ipakita.”
Hangang pagbi-brief pa lang daw ang kayang gawin ni Dennis sa magaganap na rampahan. Ito na raw ang todong pagpapasexy niya kaya naman pinaghahandaan niyang mabuti.