Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, pinabayaan si Billy?

070314 Coleen billy

ni Roldan Castro

SAMOTSARINT reaksiyon ang naririnig namin sa eksena ni Nadia  Montenegro habang nakakulong si Billy Crawford.

May mga tumatawag sa kanya ng ‘Pambansang Bawang’ dahil nakakabit na naman siya sa isyu. Isa siya sa ini-interbyu sa sitwasyon ni Billy.

Pero tumataas ang kilay ng ilan nang magkasalungat ang statement ni Nadia at ang manager ni Billy na si Arnold Vegafria. Bakit naman hindi nag-usap ang dalawa o dapat isa na lang ang tagapagsalita ng singer-TV host.

Kaninong kredibilidad ngayon ang paniniwalaan mo? Ang sinasabi ni Nadia na walang nakaaway sa labas si Billy o ang sinasabi ni Arnold na may nakaaway ang alaga niya?

Basta kami, natutuwa  sa malasakit na ipinakikita ni Nadia kay Billy. At least, nandoon siya para bantayan si Billy kompara sa girlfriend ng singer-TV host  na si Coleen Garcia. Buti pa nga raw si Luis Manzano nakita na nagbantay sa kaibigan.

Although, ipinagtanggol naman ni Coleen si Billy sa kanyang  Twitter  Account at sinundo naman noong paalis na sa kulungan.

Isa pang nagpa-bother sa amin ay ang Twitter Account ni Nadia.  Marahil poser  lang niya ‘yung @nadsmontenegro dahil kung ano-anong kanegahan ang itinu-tweet kay Billy na kesyo magmamalinis at pupurihin ng The Buzz si Billy at kesyo kilalangng mabuting bata si Billy.

“‘Di na siguro magkandaugaga ang writers ng #TheBuzz. Nagkakagulo sila kung pano babaliktarin ang kwento at gagawing biktima si Billy Crawford”

Pero napanood namin ang The Buzz at balanse nilang naibalita ang tungkol kay Billy.

Kung nega ang mababasa sa @nadsmontenegro, positibo naman sa @Officialnadiam, “Love you Billy! @billyjoecrawford Were here for you! We know who you are! We know you are a good man. A normal human being! Napapagod! Napupuno! Nagkakamali! All I can promise you is that tom everything will be ok! God will never forsake you! You are never alone! Maayos lahat yan! Love you Bunso!”

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …