Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Kim cool at relaks sa mga eksena nila sa #1 primetime bida series na Ikaw Lamang

081914 kim coco

ni Peter Ledesma

Kung noon ay matinding emosyon ang parehong ibinubuhos ng character nina Coco Martin at Kim Chiu sa book 1 ng Ikaw Lamang.

Dito sa number 1 primetime bida series ng dalawa na Ikaw Lamang kasama si KC Concepcion ay cool at relaks lang sina Coco at Kim sa kanilang mga eksena.

Paano light lang ang mga scenes at majority ay nagpapatawa si Kim rito kay Gabriel played by Coco. Bagay na bagay sa actress ang character niya bilang si Jacque, na ang trabaho ay tagagawa ng susi. Sa latest episodes ng serye ipinakita na umuusbong ang pagtitinginan nila ni Gabriel. Natutuwa kasi si Gabriel sa pagiging Kikay rito ni Jacq kaya unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa dalaga. Pero may tinik sa magandang samahan ng dalawa ang babaing pinaibig ni Gabriel na si Natalia (KC).

Pero infairness ibang-iba ang ipinapakitang akting ni KC sa nasabing primetime series ng Dreamscape Entertainment at ng ABS-CBN. Malaking tulong talaga ‘yung paghasa ng actress sa ibang bansa tungkol sa pag-arte.

Kitang-kita nga ‘yan gabi-gabi sa kanyang performance. May kilig din ang tambalan nila ni Coco, pero siyempre, mas lutang pa rin ang love-team nina Coco at Kim dahil mas nakaaaliw nga ang mga eksena nila.

Samantala sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ikaw Lamang, isa-isa nang mabubunyag ang mga lihim, abangan ang muling pagkikita nina Gabriel (Joel Torre) at Isabelle (Amy Austria) pati na ang mga gagawing kasamaan nina Senator Franco (Christoper de Leon) at Executive Secretary na si Tessa (Mylene Dizon) kay Gabriel at sa amang si Samuel na hanggang ngayon ay kinamumuhian ni Franco.

Siyempre, ang nakakikilig na mga eksena nina Kim at Coco kapag inamin na nila ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Mapapanood n’yo gabi-gabi ang Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng Hawak Kamay ni Piolo Pascual.

WEEKLY PRIZES SA “SHAKE A MINUTE,”NI ALENG MALIIT RYZA MAE PALAKI NANG PALAKI

Napaka-lucky naman talaga ng lahat ng mga nagdyo-join sa “Shake A Minute,” ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon.

Yes ngayon ay mas lalo pang pinalaki, pinarami at worth it ang papremyong ipinamimigay sa weekly promo ng Eat Bulaga. Kaya lahat ng Dabarkads mula Luzon, Visayas at Mindanao ay may chance manalo! Ang Shake A Minute ay isang way ng Bulaga para makapagpasalamat sa lahat ng kanilang viewers na Dabarkads na mula 1979 hanggang ngayon ay nakasuporta pa rin sa kanila at nanati-ling avid at loyal sa pangtanghaling programa.

Kaya try n’yo rin sumali at madali lang ang mechanics ng kinaaliwang contest na ito. Tandaan lang ang tatlong pares ng numero sa code of the day. Pagkatapos kapag alam mo na ang kompletong code number ay sundan lang ang format bago magtext: EB_Code/Name and Address. Ipadala sa 2344 kung ikaw ay Globe at TM subscriber. Kung ang gamit naman ay Smart/Talk ‘N Text/Sun ay itext ang answer sa 367.

Kuha mo gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …