Saturday , November 23 2024

‘MRT challenge’ palalimin pa (Para sa pangmatagalang solusyon)

090814_FRONT

“Ang MRT Challenge ay hindi dapat tungkol sa paghamon sa ating mga opisyal na sumakay sa MRT. Dapat tayong manawagan sa ating mga pinuno na pagtuunan ng atensyon ang puno’t dulo kung bakit hindi na ligtas sumakay ngayon sa MRT at hindi na nito kayang pagsilbihan ang mananakay na publiko. Hinahamon namin ang ating mga pinuno na magbalangkas ng tunay at pangmatagalang solusyon sa problema ng MRT ngayon!”

Ito ang itinuran ni Atty. Oliver San Antonio, abogado ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) na nanawagan kahapon sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga pinuno ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na pagtuunan ng kaukulang pansin ang paghahanap ng solusyon sa gusot na kinakaharap ng MRT.

“Kinikilala namin ang pagsisikap ng mga opisyal na sumakay sa MRT upang makita nila mismo ang mga problemang ito,” ayon kay San Antonio.

“Ngunit, ang pagsubok na pinagdaraanan araw-araw ng mga mananakay ay pawang sintomas lamang ng mas malalim na suliraning pasan-pasan ng MRT,” dagdag ng abogado.

“Para lubos nilang maintindihan kung bakit hindi na maasahan at hindi na ligtas, hinahamon natin ang ating mga pinuno na magsagawa ng masusing pananaliksik tungkol sa usaping ito at humanap ng paraan kung paano gagawing ligtas at gawing komportable ang biyahe ng kalahating milyong mamamayan na sumusuong sa MRT Challenge araw-araw.”

Sinabi rin ni San Antonio, dating Chairperson ng University of the Philippines – University Student Council, ang isinagawang imbestigasyon ng Senado ay “isang tamang hakbang upang bigyan ng pagkakataon ang mga mananakay na alamin kung papaano humantong sa ‘bangungot’ ang MRT.”

“Umaasa kaming ipagpapatuloy ng Senado ang mga pagdinig hanggang matuklasan natin ang lahat ng problema sa MRT. Kailangan makita ng mananakay at ng publiko ang konkretong plano ng gobyerno kung paano lulunasan ang araw-araw na sinusuong ng mamamayan sa MRT.

“Hindi natin kailangan ng ‘band-aid solution’ o panandaliang remedyo kagaya ng paglagay ng mga tarpaulin upang magsilbing silungan laban sa init ng araw at ulan. Napakababaw naman noon at nakaiinsulto. Ayaw namin maging tampulan lang ang isyung ito ng mga balita’t batikos ng mga politiko na pagsasawaan din lang pagkaraan ng ilang buwan,” daing ni San Antonio.

“Baka ang pagkadiskaril ng MRT at ang iba pang problemang pinagpiyestahan sa social media ang nakikita lamang natin sa ngayon. Karapatan ng publiko na malaman ang buong detalye sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng operasyon nito. Kaligtasan nila ang nakataya rito.”

“Usapin lang ba talaga ito ng maintenance? O mas malalim pang isyu sa likod nito?”

Noong nakaraang buwan, 38 tao ang nasaktan nang madiskaril at lumampas ang MRT sa mga riles nito sa MRT Taft Avenue Station sa Pasay City.

Noong nagdaang linggo lamang, iniulat ng mga netizens ang patuloy na pag-andar ng isang bagon ng MRT kahit nakabukas pa ang pinto.

(HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *