Saturday , November 23 2024

More green jobs sa Nograles bill

090814 agri farm
BILANG tulong sa pagpapatupad ng Climate Change Act, naghain si Congressman Karlo Nograles ng Davao City, ng bagong panukala na naglalayong makabuo at makapagtatag ng dagdag pang environment-friendly industries at serbisyo na magpapabawas sa masamang epekto ng climate change sa bansa.

Ang panukala, na tatawagin bilang Philippine Green Jobs Act of 2014, ay naglalayong makabuo ng mga oportunidad sa trabaho na hindi makasasama sa kapaligiran sa pamamagitan ng paggamit ng green technology, o bagong ideya na poprotekta sa likas na yaman.

“With the adverse effects of climate change being felt around the world and its increasing threat to lives and properties, nations have found it imperative to facilitate and guide the process of making industries less harmful to the environment,” pahayag ni Nograles.

Ang pagsusulong sa climate-smart industrices at mga serbisyo ay bahagi ng National Climate Change Action Plan, na mandato sa Climate Change Act.

Ang green jobs ay mga oportunidad sa trabaho na magpoprodyus ng mga produkto at serbisyo na magbebenipisyo at poprotekta sa kapaligiran. Ito ay partikular na kinasasangkutan ng business enterprices na gumagamit ng bahagyang likas na yaman lamang sa kanilang proseso ng produksiyon.

Bilang pagbabahagi ng pananaw ukol sa Climage Change Act, kinikilala rin ni Nograles ang mahalagang papel ng labor sa pagpapababa ng epekto ng mga kalidad na dulot ng climate change, at gayon din sa pagpapalakas ng potensiyal na mga benepisyo ng climate change. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *