Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, malakas ang loob at matapang

090814 Mark Gil

ni Ed de Leon

SIMPLENG natapos ang pagdiriwang ng buhay ni Ralph Joseph Eigenmann o Mark Gil. Sa isang simple at pribadong seremonya na pinangunahan ng kanyang pamilya, at dinaluhan ng marami niyang mga kaibigan at tagahanga, at mga kasamahan sa showbusiness, naghalo ang lungkot ng mga tao, at ang kanilang pagmamalaki na nakilala nila si Mark, isang mahusay na actor at mabuting kaibigan.

Noon lang ding umagang iyon dumating si Sid Lucero, na Tim Eigenmann sa tunay na buhay at anak din ni Mark mula sa taping ng isa niyang serye sa abroad. Tumuloy agad siya sa wake at doon ay hindi niya napigilang humagulgol nang makita ang lalagyan ng abo ng kanyang ama. Sa ipinakikita at sinasabi ng kanyang mga anak, maliwanag na kung nagkaroon man siya ng problema sa kanilang mga ina, hindi naapektuhan at hindi niya pinabayaan ang kanyang mga anak.

Naalala rin ng isang nakasama niya sa isang project nitong mga huling araw na nakikita raw nila ang unti-unting pagkahulog ng kanyang katawan. Pero sa tuwing tatanungin daw nila ay sinasabi lang niyon na okey naman siya at walang problema. Inaalala rin daw nila si Mark noon, bagamat hindi nga nila alam na terminal cancer na pala ang kanyang sakit. Masama sa mga nasa ganoong kalagayan ang mapuyat. Masama rin naman ang ma-tension, na nangyayari at hindi naman maiiwasan kung gumagawa ng isang teleserye, pero sinasabi nga raw ni Mark na okey naman siya, at talagang gusto niyang gawin ang seryeng iyon dahil gusto niya ang material.

Natapos naman niya ang serye, at pagkatapos niyon ay wala na nga siyang natanggap na iba pang projects. Siguro nga masama na rin naman ang pakiramdam niya talaga, ayaw lang niyang ipahalata iyon kahit na sa kanyang pamilya. Matapang si Mark. Malakas ang kanyang loob, kaya hindi nanghina ang kalooban niya sa kabila ng kanyang kalagayan.

Talagang hahanga ka rin kay Mark Gil.

SHOW NA MAKIKIPAGSABAYAN SA NAKED TRUTH, POSIBLENG KUMAIN NG ALIKABOK

MAGKASUNOD nga kasi eh, at halos pareho sila ng gimmick kaya naikukompara iyong Naked Truthng Bench doon sa isa pang fashion show na ang attraction din ay mga male model.

Pero halos lahat ay nagsasabi na baka iyong isa ay kumain ng alikabok sa show ng Bench. Kasi nga lahat halos ng mga sikat na celebrities at models lalabas sa Bench, samantalang doon sa kabila, ang sabi nga nila ay mukhang walang sikat kundi “puro starlets lang”.

Tiningnan nga namin ang sinasabing line up ng dalawang shows, at mukha ngang mas maraming stars sa Bench. At saka sa Bench, maraming mga home talent kagaya halimbawa ni Richard Gomez na hindi mo rin malaman baka biglang lumitaw kung kinakailangan. After all siya ang unang-unang endorsement ng Bench, at hanggang ngayon ay endorser pa rin siya ng kompanya.

Mahirap talagang sabayan iyang mga show ng Bench.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …