Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina, hiwalay na sa live-in partner na si Kris

090814 kris lawrence katrina

ni John Fontanilla

SA pagputok ng balitang hiwalay na sila ng kanyang live -in partner na si Katrina Halili, nananatiling tikom ang bibig ni Kris Lawrence at mas gustong manahimik na lamang.

Binasag ni Katrina ang katahimikan nang sabihin nitong friends na lang sila ni Kris pero bukas naman daw ang pinto ng kanyang bahay para dalaw-dalawin ni Kris ang kanilang anak. At kahit hindi nga tuwirang sabihin ni Katrina na hiwalay na sila ay ito pa rin ang naglalaro sa isip ng bawat taong nakabasa sa kanyang interviews.

At sa ‘pag-amin nitong hindi na sila magkasama sa iisang bubong ang nagpalakas ng hinala ng lahat na totally ay hiwalay na sila. Marami tuloy ang nag-iisip kung anong dahilan ng break-up nila ni Kris na noong una`y napakaganda ng samahan.

Naway maayos sana ang gusot nila para na rin sa kanilang lumalaking anak.

PINOY CANADIAN SINGER NA SI RAMIL OMOSURA, NASA BANSA

NASA bansa ang sikat na Pinoy Canadian singer/producer at Senior Vice President ng 5linx na si Ramil Omosura para sa  unveiling ng 5linx Philippine  na magaganap sa Sept. 13, 1:00 p.m. sa PICC .

Magiging espesyal na panauhin ang 5linx founder na si Craig Jerabeck.

Bukod sa launching, nasa bansa rin si Ramil para sa kanyang Asian Promo ng kanyang album na nauna nang nailunsad sa Canada at sa Amerika. Kaya naman sa 14 days niyang pananatili sa bansa ay magkakaroon ito ng radionat TV guestings para i-promote ang album.

Nakatakda rin itong magkaroon ng mall tour na magsisimula sa Sept. 13 sa Starmall Edsa/Shaw at sa Sept.14 sa Starmall, San Jose Bulacan. Habang nakatakda namang i-release ang kanyang next  album bago matapos ang taon sa Canada at sa Amerika na magkakaroon din siya ng series of shows early next year para sa kick off ng promotions ng kanyang album.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …