ni James Ty III
NAKABALIK na sa Pilipinas ang Koreanang DJ at aktres na si Jinri Park pagkatapos tumagal ng tatlong buwan sa kanyang tinubuang bansa upang sumabak sa ilang voice at acting lessons.Katunayan, nag-taping na si Jinri ng sitcom na Vampire ang Daddy Ko tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7 kasama si Vic Sotto.
Bukod dito, plano niyang bumalik sa pagiging DJ sa isang sikat na FM station.
Lumabas na sa mga tindahan ang bagong photo book ni Jinri na The Jinri Experience 2 na ginawa niya bago umalis patungong Korea.
Inaasahang makikipag-usap din si Jinri sa staff ng isang men’s magazine na nagpalabas ng kanyang bagong sexy pictorial na walang pahintulot sa kanya.