Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo Santos-Concio, itinanghal na Asian Media Woman of the Year ng Contentasia (Be Careful With My Heart, kinakiligan)

090814 charo santos

PINANGALANANG Asian Media Woman of the Year ang ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio ng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.

Si Santos-Concio ang nanguna sa listahan ng Asia’s Most Influential Women in Media ng ContentAsia na pasok ang pinakamaiimpluwensiyang kababaihan sa industriya. Sa kanya iginawad ng ContentAsia ang titulong Asian Media Woman of the Year dahil sa pangunguna sa pagbubuo at paglulunsad ng mga programa at proyekto sa iba’t ibang media platforms upang maabot ang publiko.

“Espesyal ang award na ito para sa akin dahil kinikilala nito ang tungkulin ko bilang isang storyteller at pinuno ng isang multimedia company. Ikinararangal kong maging kinatawan hindi lang ng ABS-CBN, kundi pati na ng masisigasig na mga Pilipina sa media. Nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng oportunidad na maglingkod sa mga Filipino,” aniya.

Pinarangalan siya sa isang gala dinner noong Miyerkoles (Sept 3) sa Grand Hyatt Singapore kasama ng iba pang awardees sa listahan ng ContentAsia.

Bukod pa riyan, nagbahagi rin ng kaalaman si Santos-Concio bilang keynote speaker ng ikaanim na taunang ContentAsia Summit noong Huwebes (Setyembre 4) ukol sa matatagumpay na programa, proyekto, at kampanya ng ABS-CBN. Lubos na pinalakpakan ang kanyang presentation sa nasabing summit na dinaluhan  ng content creators, producers, broadcasters, program buyers, programming heads, at executives.

Sa kanyang presentation, ibinahagi ni Santos-Concio na ang sikreto sa likod ng matatagumpay na programa at pelikula ng ABS-CBN ay ang paglikha ng mga istoryang may mga kakaibang karakter na maaaring hangaan at mahalin ng mga manonood.

Pinakatumatak sa mga dumalo ng summit ang mga nakakikilig na eksena mula sa Be Careful With My Heart, mga makabagbag-damdaming sandali mula sa pelikulang Starting Over Again at ang confrontation scenes nina Monica at Nicole sa The Legal Wife.

Naghahatid ang ContentAsia ng mahahalagang impormasyon ukol sa entertainment industry sa iba’t ibang executives sa buong Asya sa pamamagitan ng electronic, print, at online publications nito.

Bukod dito, pinarangalan din si Santos-Concio bilang Woman Achiever for Tourism and International Understanding noong Biyernes (Sept 5) sa 24th SKAL International Makati Awards para sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagtaguyod ng turismo sa loob at labas ng bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …