TATLO katao na kinabibilangan ng mag-ama ang patay habang 40 ang sugatan nang mahulog sa 100 talampakan bangin ang pampasaherong bus na nawalan ng kontrol sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.
Sa impormasyon ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang tatlong namatay na sina Renan Descatamento, 34; ang mag-amang Nestor Vendivel, Sr., 62, at Nestor, Jr.,18.
Dakong 3:30 a.m. habang nasa zigzag, iniwasan mabangga ng driver ng Reymond Bus na si Claudio Dado, 41, ang kasalubong na trak kaya nawalan ng kontrol saka nagtuloy-tuloy na nalaglag sa bangin na may lalim na 100 talampakan.
Bago malaglag sa bangin, sumalpok pa sa perimeter fence ng DPWH ang bus dahil malakas ang ulan at basa ang kalsada nang mga oras na iyon.
Ginagamot sa iba’t ibang ospital ang mga sugatan na pasahero na sina Noel Infante, 40; Joan Babol, 40; Joseph Palencia, 31; pawang residente ng Camarines Sur; Lita Guyana, 80; Lynda Laurio, 69; Wilmor Concepcion, 67; Lydia Villalobos, 58; Rowena Plange, 38; Janiceson Andrada, 33; Randoni Amado, 33; Maruja Delos Santos, 32; Michael Blanca, 30; Retchil Bendanillo, 28; Gee Ann Alayon, 27; Jim Melo, 25; Erwin Arnaldo, 23; Genely Gauire, 22; Jose Kensi Aurelio, 20; Bryan Marin, 20; Marianne Plange, 16; at Roxanne Grace Martin, 9; pawang residente ng Masbate; BichamerMeneses, 69; Mildred Grace Meneses, 66; Sedfredo Toledo, 63; Julia Ayala, 53; at isang Emily.
(BETH JULIAN)