Thursday , December 26 2024

P350-M lipat opisina ibinuking ng 2 tao ni Jun-jun

ISINAWALAT mismo ng matataas na opisyal ni Makati Mayor Jejomar Erwin “Jun-Jun” Binay, Jr., na tumataginting na P350 milyon ang gagastusin ng kanilang pamahalaang lungsod sa paglilipat ng iisang opisina mula Makati City Hall patungo sa katabing Parking Building, ang gusaling nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa P2.7 bilyon.

Sa paggisa nina Senador Aquilino Pimentel III, Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano sa nakaraang Senate blue ribbon subcommittee hearing, umamin sina Urban Development Department head Merlina Panganiban at Budget Department head  Lorenza Amores na P350 milyon ang inaprubahang pondo para sa paglilipat-opisina ng kanilang Urban Development Department papuntang Makati Parking Building o “City Hall 2,” mula sa kadikit na Makati City Hall 1.

Ang P350-M budget ang lalong nagpalobo sa halaga ng kontrobersyal na proyektong ito mula sa P2.2 bilyon para sa construction nito hanggang pumalo sa P2.7 bilyon, ani Trillanes, o triple ng orihinal na budget ng gusaling na P700 milyon  nang inumpisahan noong 2007 nang si Vice President Jejomar Binay  pa ang mayor ng Makati.

Sinabi ni Cayetano na ang pag-amin nina Panganiban at Amores sa animo’y pagwawaldas ng pera ng Makati para lang sa paglilipat ng opisina sa kabilang bagong gusali at sa pagbili umano ng mga kompyuter at iba pang kagamitan ay isa na naman patunay sa kahindik-hindik na tongpats sa pagpapatayo ng Parking Building at iba pang projects at walang-patumanggang paglustay sa kaban ng bayan mula nang mamahala ang mga Binay sa Makati.

“Is it the policy of Makati na just because you have a lot of money, you’ll get the most expensive?” tanong ni Cayetano. “What you’ll do is you’ll get value for your peso, ‘di ba? Why would you buy something that is outrageously expensive if something that is as good, nandyan na?”

Tanong ni Cayetano kung “world-class” nga ang Parking Building, bakit hindi sa makabagong Cloud-based system nagpondo ang pamahalaan ng Makati para sa kanilang data center para sa kalauna’y makatipid.

Dagdag niya, hindi naging ganito kamahal nang maglipat ng data system ang Taguig City, na ang mayor ay kanyang maybahay na si Lani.

Tinanong ni Trillanes si Panganiban kung bakit kailangang gumastos nang malaki ang kanilang lokal na pamahalaan para lang sa paglilipat-opisina gayong “magkadikit lang ‘yung lilipatan at hindi na nga sila mamasahe d’yan.”

Matapos gisahin ni Cayetano sa nakaraang pagdinig, inamin mismo ni Rogelio Peig, assistant vice president ng Hilmarc’s Construction Corp., ang kompanyang nagtayo ng Parking Building, na posibleng overpriced nga ang Parking Building.

Tugma ito sa pag-amin din ni Mayor Junjun Binay kay Cayetano nang humarap sa unang pagdinig na posibleng overpriced ng mga tauhan niya sa City Hall ang project na lingid sa kanyang kaalaman.

Sinabi ni Peig na hindi naapektohan ng pagtaas ng presyo ng bakal ang construction cost ng Parking Building, taliwas sa iginigiit ng kampo ng mga Binay na kaya tumaas ang construction expenses ay dahil sa biglaang pagtaas ng halaga ng bakal mula sa China noong nagkaroon ng construction boom dahil sa Beijing Olympics.

Nilinaw din ni Peig na wala namang sinabi ang Hilmarc na certified green at world-class ang naturang Parking Building, taliwas sa paliwanag ng mga Binay na mahal ang gusali dahil ito raw ay “green” at world-class na gusali?

Ikinanta ng dating City Hall general services department chief na si Mario Hechanova sa nakaraang pagdinig na si VP Binay mismo, noong siya pa ang nakaupo na mayor sa Makati, ang pasimuno sa pagmaniobra sa malalaking proyekto sa lungsod, kabilang ang Parking Building na ini-award sa Hilmarc’s.

Inamin din niyang tumatanggap siya at iba pang miyembro ng Pre-qualification, Bids and Awards Committee (PBAC) ng buwanang allowance na P200,000 mula kay Binay para sa pagluluto nila ng mga public bidding sa Makati.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *