Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hawak Kamay, 3rd place sa average national TV rating

090514 hawak kamay

ni ROLDAN CASTRO

SIGURO naman titigil na ang mga nang-iintriga sa ratings ng Hawak Kamay na tinatampukan nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Andrea Brillantes atbp..

Nakuha nito ang ikatlong puwesto sa average national TV rating na 28.1%. Naabot nito ang all-time high national TV rating na 30.4% noong Agosto 28. Pumapalo talaga ang ratings niya dahil sa magandang istorya ng serye.

Nananatiling pinakamatatag sa TV ratings ang ABS-CBN matapos itong muling manguna noong Agosto sa buong bansa. Pumalo ang average total day audience share nito sa 43%, base sa datos ng Kantar Media.

Makikita rin sa ulat ng Kantar Media na 11 sa 15 pinakapinanood na programa noong Agosto ay mula sa ABS-CBN. Numero uno ang Asia’s longest drama anthology na Maalaala Mo Kaya sa buong bansa sa naturang buwan sa average national TV rating na 28.7%. Malaking tagumpay ang episode nito noong Agosto 16 tampok ang kuwento ng buhay ng The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod dahil sa napakataas na rating na 38.4%.

Wagi rin ang ‘master teleserye’ na Ikaw Lamang na pangalawa sa listahan at nagkamit ng average national TV rating na 28.4%.

Ang ilan pang Kapamilya shows sa top 15 ay ang Wansapanataym, (26.8%) TV Patrol, (26%) Rated K, (24.8%) Home Sweetie Home, (20.7%) Sana Bukas Pa Ang Kahapon, (20.2%) Pure Love, (19.2%) at Goin’ Bulilit (18.7%). Hindi rin nagpahuli rito ang nakaaaliw na programang Mga Kwento Ni Marc Logan (17.6%) tuwing Sabado na kasisimula pa lang noong Agosto 9.

Kumapit naman ang mga manonood sa Big Night ng Twitter-trending reality show na Pinoy Big Brother All In (27.9%) noong Agosto 24 .

Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …