Sinong mag-aakala na ang nabuong concept nina Jed at ng Tita Annie cum manager niya ay magiging hit pala.
Sabi nga ng singer, “hindi namin alam na papatok talaga dahil noong una laro-laro lang hanggang sa nabuo ang concept.”
At dahil part two na ang concert ay ini-expect na ibang kanta naman ang ire-requests ng audience, hindi pa pala dahil pareho pa rin sa unang show.
“Nakatutuwa nga kasi most of the song na nire-requests same pa rin sa rati. ‘Let It Go’, ‘All of Me’, ‘Boom Panes’, tapos may mga bago kaming songs. Daming requests ngayon. Sabi ko nga kung pagbibigyan lahat ng request, tiyak five hours aabutin ang concert,” natatawang sabi ng singer.
MEMBER NG EXECUTIVE COUNCIL SA NCCA
Bukod sa sold out concert ay may isa pang nagpapasaya kay Jed bilang singer dahil kinuha siyang representative ng OPM sector bilang miyembro ng executive council sa National Committee on Music para sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA).
Gagampanan ni Jed bilang OPM representative sa NCCA na maging tulay o hands on sa pagpaplano tungkol sa mga problemang kinakaharap ng music industry.
“Sabi ng chairman (Felipe de Leon), one of the basis daw why they chose me was my involvement in propagating and promoting the Filipino talent,” sabi pa.
Tinanong namin si Jed kung ano-ano ang requirements na nakita sa kanya ng NCCA at paano siya napili.
“Sabi nila nasubaybayan daw nila ang career ko at kung ano ang nagawa ko sa music industry.
“Sa mga hindi nakaaalam, I started my journey as a proponent of the Filipino artist in 2005 sa WCOPA.
“After that, ang dami kong offers na natanggap sa States, but I chose to come back sa Pilipinas to continue my career,” kuwento ni Jed.
Nabanggit din ni Jed na may times na burn out na siya at nagpapasalamat siya na nalampasan niya iyon.
“Honestly, I’m very happy with my career now. But a few months back, I started questioning myself. Ano na ba ang direksiyon ni Jed Madela? Ganoon.
“It was more of a personal feeling. Kasi I’ve done concerts, I’ve done albums, I’ve received awards, I’ve travelled the world. Hindi ko naman sinasabi na napakasikat ko.
“Pero for a while, na-depress din ako, na-burn-out, parang feeling ko, wala namang purpose ang lahat ng ito,” pagtatapat ng singer.
Ang awiting You Don’t Want To Fail na isinulat ni Jude Gitamondoc na ii-interpret ni Jed sa darating na Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 ay kasama rin sa repertoire niya sa All Requests 2.
ni Reggee Bonoan