Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Nash at Alexa, pinasadsad ang show ng Marian at Ismol Family

082914 nash alexa

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG malakas talaga ang tambalang Nash Aguas at Alexa Ilacad, isama pa ang sumisikat na boy group ng ASAP 19 na Gimme 5.

Dahil sa nakaraang Kantar Media weekend ratings ay nanguna ang dalawang episode ng Wansapanataym Presents Perfecto taglay ang national TV rating na 26.4% noong Sabado (Agosto 30) at 27.6% noong Linggo (Agosto 31) na 10 puntos ang lamang sa mga katapat nitong programa sa GMA na Marian (15.9%) at  Ismol Family (18%).

Bukod sa TV ratings, wagi rin ang Wansapanataym special nina Nash, Alexa, at Gimme 5 sa social networking sites tulad ng Twitter, na naging worldwide trending topic angWansa Perfecto noong Sabado at Alexa Ilacad Wansa Perfecto naman noong Linggo.

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong weekend (Setyembre 6 at 7), unti-unti nang magbabago ang buhay ni Perry (Nash) dahil matutupad na ang kanyang mga kahilingan sa tulong ng isang mahiwagang nilalang. Magiging perpekto na ba ang buhay ni Perry sa oras na makuha niya ang lahat ng kanyang ninanais?

Kasama sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, atGrae Fernandez mula sa panulat ni Joel Mercado at idinirehe ni Onat Diaz.

Handog naman ng Dreamscape Entertainment Television ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …