TAMPOK sa pagdiriwang ng ika-74 anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI) ngayong araw ang ‘milestone year’ ng administrative and operational reforms sa nasabing ahensiya.
Ibabahagi ni dating BI Commissioner at ngayon ay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang kanyang keynote address sa pormal na pagdiriwang sa BI’s head office sa Intramuros, Manila.
Si Rodriguez, nagtapos sa De La Salle University (AB Economics ’75, Summa Cum Laude) at sa University of the Philippines College of Law, ang pinakabatang komisyoner na naitalaga sa BI ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Si Justice Secretary Leila de Lima ang magpapahayag ng welcome remarks para sa pagdiriwang na may temang “BI CARES: A leap Towards Good Governance” kasama si Rodriguez at BI rank and file sa pangunguna ni BI Commissioner Siegfred B. Mison.
Sinabi ni Mison, sa nasabing okasyon ay itatampok din ang pagkilala ng bureau sa outstanding immigration officers (IOs) at administrative employees na nagtrabaho bilang team at isinapuso ang serbisyo publiko.
Ayon sa BI chief, sa pagdiriwang ng anibersaryo ay napapanahon din ipresenta ang kanilang huwarang mga empleyado na pinagyaman ang bagong kultura ng ‘incorruptible, highly professional public service’ ng bureau.
“Improved merit and disciplinary schemes will be instituted to attract the best qualified applicants to beef up the BI workforce, hired not based on their connections but on their capabilities,” pahayag ni Mison.
Tinukoy ang tagumpay ng BI CARES program, tiniyak ni Mison ang pagpapatuloy ng career development program para mapagbuti ang professional skills ng BI personnel sa lahat ng main at satellite offices, at international ports.
(EDWIN ALCALA)