Mukhang hindi naman bumango sa tao ang magkapartidong sina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes kahit pa binugbog nila ng upak si VP Jojo Binay.
Sa ating pagtatanong sa mga taong kalye, halatang nainis lang lalo kina Cayetano at Trillanes ang madla dahil halatang-halata nila na may bahid politika ang pagdapurak sa dangal ng bise presidente ng bansa.
Tama rin bansagan na si Cayetano na “demo-lition man” dahil mukhang nagiging porte na ng mam-babatas buhat sa Taguig ang paninira sa pagkatao ng isang katulad ni-yang politiko.
Maging ang bira ni Trillanes ay nag-boomerang din sa kanya dahil alam naman ng lahat na sila ni Ca-yetano ay nakinabang din sa DAP at PDAP.
Sa pinakahuling ulat nga ng COA, lumabas na napakamahal ng multicab ni Cayetano na halos umabot sa P500,000 ang isa gayong ang presyo lamang ng multicab ay kulang P200,000.
Sinabi ng COA na may dapat ipaliwanag si Alan sa kanila dahil ang ipinambili ng sinasabing pinakamahal na multicab ay galing sa PDAP ni Cayetano.
Sa maikling salita, lumalabas na wala rin kre-dibilidad ang nag-aakusa kay Binay dahil parehong may bahid dungis rin ang tandem nina Ca-yetano at Trillanes na mukhang nakikilatis at nabibisto na rin ng taong bayan.
***
Malabong maipasa ng Kongreso ang Freedom of Information bill.
Ito ang ating nababasa dahil ang hindi pag-sertipika ni PNoy bilang priority bill ang FOI ay isang malinaw na indikasyon na binabawi na niya ang kanyang pangako noong 2010 campaign na kanyang gagawing prioridad ang FOI bill.
Kung talagang “tuwid na daan” ang tinatahak pa rin ng administrasyong ito ay kasama sa ingredients o panlaban sa kuropsyon ang FOI bill.
Malinaw na nag-iba na ang ihip ng hangin sa FOI bill kaya’t ‘wag na dapat umasa ang taong bayan dahil mukhang naiba na ang desisyon ni PNoy sa FOI katulad ng Cha-Cha.
Alvin Feliciano