Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juris, minadali ang paggawa ng MV sa Himig Handog 2014 (Kaya hindi maganda)

090514 juris fernandez

00 fact sheet reggeeKAKASULAT lang namin na hindi maganda ang music video ni Juris sa awiting Hindi Wala na entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 dahil para siyang tuod na kanta lang ng kanta ay heto at may nakarating ng balita sa amin na may istorya pala sa likod ng nasabing mv.

Say sa amin ng entertainment editor na nakatsikahan ang mga estudyante ng De La Salle University na kaklase ng gumawa ng music video ni Juris na isang oras lang daw o isang pasada ng kanta ang ibinigay ng singer sa kanila dahil may lakad pa raw siya ng araw na iyon. Na bahala na ang mga estudyanteng magsingit-singit ng kung anik-anik sa video.

Wala naman daw magawa ang mga estudyante kaya pingkasya na lang ang isang oras para buuin ang music video ni Juris.

“Okay na ‘yan,” ito raw ang say ni Juris nang mapanood ang resulta ng music video maski na gusto pa sanang ulitin ng mga taga-La Salle kasi hindi sila solve sa resulta.

Nanlulumo nga raw ang mga estudyante ng De La Salle dahil excited pa naman daw sila sa pagsali sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

Katwiran naman ng kilalang entertainment editor na nagkuwento, ”bakit sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na super busy, naglaan ng oras? Sina Jed Madela, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Jovit Baldivino at iba pang singers, mas busy pa sa kanila si Juris?”

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …