Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hawak Kamay, wagi sa Parangal Paulinian 2014

090514 hawak kamay

ni Roldan Castro

UNFAIR naman na kay Lyca Gairanod lang i-credit ang pagtaas ng ratings ng seryeng Hawak Kamay dahil pinaghirapan ‘yan ng production at ng buong cast sa pangunguna ni Piolo Pascual.

Kumbaga, group effort ‘yan at pati ang mga writer ng show ay nag-iisip talaga kung paano mapagaganda ang story ng Hawak Kamay.

Nagkataon lang na kasama na si Lyca sa show noong huma-highlight na ang istorya ng nasabing serye.

Tumaas ang ratings ng Hawak Kamay dahil lalong gumaganda ang story nito. Idagdag pa ang chemisty ni Piolo sa mga bata plus ang kilig ng love team nina Zaijian Jaranilla at Andrea Brillantes.

Ang Hawak Kamay ay gaya rin ng The Legal Wife na lalong pumick-up ang ratings noong paganda ng paganda ang mga eksena at istorya nito.

Napansin namin na sa mga serye ngayon ay mas tinututukan na ang mga serye dahil sa istorya. Tingnan mo ang Pure Love, wala namang big stars pero click sa mga manonood. Ang Moon of Desire at Ikaw Lamang ay  nagkaroon ng book 2 dahil sinundan  ang istorya nito.

Malaking factor talaga at nagbibigay ng interes sa mga tao ang bawat istorya ng serye.

Speaking of Hawak Kamay nanalo sila sa Parangal Paulinian 2014 bilang Dramang Pantelebisyon ng taon. Nag-numero uno sa mga nakuhang boto ang Hawak Kamay sa mga mag-aaral ng St. Paul College, Pasig. Napili ang programa dahil sa pagiging kawangis ng mga adhikaing tulad ng layon ng institusyon.

Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …