Saturday , November 23 2024

Direk Wenn, tiniyak na makapanindig balahibo ang Maria Leonora Teresa

090514 wenn deramas

ni Nonie V. Nicasio

FIRST horror movie ng box office director na si Wenn Deramas ang pelikulang Maria Leonora Teresa. Aminadong napagod siya nang husto sa pelikulang ito ng Star Cinema na showing na sa September 17.

“Yes, first and last na horror film na gagawin ko,” pabirong saad ni Direk Wenn nang makapanayam namin sa shooting ng naturang pelikula sa Himlayan Memorial Park. Tinatampukan ang Maria Leonora Teresa nina nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Iza Calzado.

“Mahirap kasi talaga gumawa ng horror film. Talagang pinagbigyan ko lang ang sarili ko dahil una sa lahat, concept ko ito since 2005. Una ko itong ipi-na-approve sa TV sa ABS-CBN. Pero sa rami rin ng pinagagawa nila sa akin, dahil napauso ko ‘yung fantaserye, mas concentrate ako roon, nakalimutan lang ang concept na ito,” dagdag pa niya.

Pero aminadong sobrang exhausted siya sa pelikulang ito, unlike sa mga comedy mo-vies na madalas niyang ginagawa.

“Madugo, madugo itong ginawa ko. Sabi ko nga sa sarili ko, parang mas kaya ko ng tatlong comedy nang sabay-sabay, kaysa isang horror na Maria Leonora Teresa.

“Pero habang pinanonood ko naman iyong mga natapos ko nang eksena kahapon na edited at nilapatan na ng music, sabi ko sa sarili ko, ‘Ang sarap ng pakiramdam ko dahil alam ko nakagawa ako ng maganda at tama sa buhay ko.’”

Tiniyak pa ng box office director na sigurado siyang nakakatakot at makapanindig ba-lahibo ang pelikulang ito.

“Una pa lang ‘no, sa atin kapag kuwentuhan pa lang, kapag sinabi mong namatay ang mga anak at ang ipinalit ay ma-nika, ang creepy na agad, ‘di ba? What more kapag sinimulan mo na iyang i-execute, gamitin mo na iyang mga elemento para makapanakot…

“Gusto ko lang ng iba, ng ibang klaseng horror. Usually kasi, it’s either na pumapatay lang or buhay na tao. Or iyong talagang horror na may multo, may ganyan, may aswang.

“Ito, pinilit kong ipag-combine iyong dalawang klase, iyong supernatural at iyong kayang gawin ng buhay na tao.”

Ayon pa kay Direk Wenn, ang sarili niyang pulso ang ginagamit niya para malaman kung magugustuhan ng audience ang ginagawa niyang pelikula. Lalo na raw at mahilig talaga siya sa mga horror films kahit na noong bata pa siya.

“Oo, kasi nga mayroon akong standard din sa horror, kasi nga fan ako ng horror films. Napakahilig ko talagang manood, e. Bago pa ang comedy at drama, ako horror agad ang papanoorin kong pelikula.

“Tatlong taon pa lang ako, nanonood na ako ng pelikula. At ang unang-unang Tagalog film na natatandaan ko sa sinehan ha, hindi sa TV. Kasi mahilig din ako sa TV, ay ang Blue Hawaii nina Ate Guy and Pip. Kasi, solid Noranian ang nanay ko, e.

“So, mayroon din akong standard na si-net ko para sa sarili ko kung ano iyong gusto kong horror. Siyempre kung first horror film mo, dapat pagbutihin mo, para masabi mo na, okay na ako at balik na ulit ako sa paggawa ng comedy,” nakangiting saad pa niya.

Nagbigay din si Direk ng kaunting background ukol sa Maria Leonora Teresa.

“Ang Maria Leonora Teresa kasi ay istorya ng tatlong nanay. ‘Yung isa nga lang bakla, played by Zanjoe Marudo. Iikot ang buhay ng mga nanay na ito sa kani-kanilang anak, kaya noong mawala ang kanilang mga anak, talaga na-mang shattered sila.

“Kasunod niyon, parang wala na silang ganang mabuhay. May nagsabi ‘Bakit instead na picture ang titingnan mo, bakit hindi replica ng anak mo? Iyon nga iyong mga manika. They grabbed the opportunity na makawala lang doon sa sakit. Hindi nila alam na mas matindi palang problema iyong papasukan nila noong tinanggap nila iyong tatlong manika.”

Ayon pa kay Direk, sulit ang ibabayad ng mga manonood sa pelikula nila dahil ibang klaseng horror movie ito.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *