Thursday , December 26 2024

Solusyon: Clean energy — Abante (Sa krisis sa koryente)

090414_FRONT

KAHIT ang mga dating mambabatas ay nananawagan sa gobyerno na mamuhunan sa clean energy bilang solusyon sa nakaambang krisis sa koryente  na tinatayang makaaapekto sa bansa sa kalagitnaan ng susunod na taon.

Ayon sa Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement na si dating Manila Representative Benny M. Abante, “nakalulungkot na hindi alam ng administrasyon ang gagawin na hakbang upang tugunan ang krisis sa enerhiya sa 2015.”

Reaksyon ito ni Abante matapos makatanggap ang gobyerno ng sunod-sunod na puna sa tinuran ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang SONA noong nakaraang buwan dahil inutusan lamang umano ng Punong Ehekutibo ang kanyang Kalihim sa Enerhiya na si Sec. Jericho Petilla na “makipag-ugnayan sa Joint Congressional Power Commission, sa Energy Regulatory Commission, sa mga kasapi ng industriya at sa mga gumagamit ng koryente upang magbalangkas ng solusyon sa problemang ito.”

“Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po natin ang lahat para siguruhing natutugunan ang lumalagong pangangailangan ng bansa,” ayon kay Pangulong Aquino sa kanyang ikalimang SONA.

“Walong buwan bago manalasa ang krisis sa enerhiya, heto ang Pangulo at nagbibigay ng nahuli nang direktiba sa kanyang energy czar na konsultahin ang mga energy-related agencies at hanapan ng solusyon. Saan ba sila galing? Mukhang may natutulog sa pansitan dito,” ayon kay Abante.

Lalo pang ikinadesmaya ni Abante ang pagkiling ng administrasyon sa krudo at iba pang maruming panggatong upang ibsan ang epekto ng krisis sa enerhiya samantala ang buong mundo ay unti-unti nang lumilipat sa mas malinis na pagkukunan ng koryente dekada na ang lumipas.

“Mga eksperto na ang nagsabing numinipis na ang supply ng langis sa mundo. Hindi rin maitatangging mabilis na ang pagbaba ng kalidad ng hangin sa ating bansa dahil sa pagkahayok natin sa mga makinang pinapatakbo ng diesel. Hindi ko maintindihan kung bakit baliktad ang tinatahak na daan ng gobyernong ito,” dagdag ng dating mambabatas.

Ayon kay Abante, isa nang batas ang Republic Act 9513 o mas kilala bilang  Renewable Energy Act of 2008 na humihimok sa pagbuhos ng pamumuhunan sa  renewable energy.

“Hindi na natin kailangan maghanap pa kung saan-saan. Kailangan lamang na sundin ang tadhana ng mga batas upang lapatan ng lunas ang problemang ito sa pamamagitan ng mas malinis na kaparaanan,” ayon sa dating mambabatas “dahil napakalaki ng pakinabang ng bansa kung sa renewable energy tayo tataya.”

“Bagamat isa itong hamon sa pamahalaan, gusto kong tingnan ito bilang isang pagkakataon, upang tugunan hindi lamang ang pangangailangan sa enerhiya kundi solusyonan na rin ang samo’t saring problemang kaakibat nito,” paliwanag ni Abante.

Binanggit din bilang halimbawa ng dating kinatawan ng Maynila ang pagtaas ng temperatura sa mundo at ang mga epekto nito sa mga “mala-halimaw” na bagyong tumatama sa bansa taon-taon. Sinabi niyang kailangan ‘mag-ambag’ ang Filipinas sa pagpapalago ng adbokasiya sa paggamit ng mas malinis na enerhiya sa pangunguna ng pamahalaan.

“Hindi lamang nito malulunasan ang krisis sa enerhiya sa susunod na taon, magsisilbi rin itong insurance premium sa kasalukuyan para sa susunod pang mga henerasyon. Sila ang maliligtas at makikinabang, kapag nagkataon.”

Nauna nang sinabi ni Secretary Petilla ang kakulangan sa supply ng koryente  ay aabot sa 200 megawatts (MW) sa Luzon mula Marso hanggang Mayo sa susunod na taon dahil ang pangangailangan dito ay aabot sa 9,011 MW na mas mataas sa 8,717 MW ngayong taon. Dahil dito, mangangailangan ng 400 MW hanggang 500 MW upang magsilbing pananggalang sa paglobo ng pangangailangan sa koryente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *