Thursday , December 26 2024

Raket sa bus garage fee sa QC; at impeachment vs PNoy, bokya

00 aksyon almar

“HINDI kita malilimutan, hindi kita pababayaan….”

Naku, bakit sinong patay? May pinagtulungan bang imasaker?!

Mayroon daw mga kababayan. Pagkapaslang matapos na pagtulungan ng 50 katao, agad itong inilibing.

Sino? Hindi po tao ang tinitukoy na ipinasalang na ganoon na lamang kabilis kundi ang tatlong kasong impeachment laban kay Mr. este Pangulong Noynoy Aquino III.

Oo pinagtulungang “imasaker” daw ang kaso. Pinatay at inilibing agad baga makahawa. He he he…

Sa pagdinig kamakalawa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, pinagtulungang patayin ng 50 kagalang-galang na mambabatas ang kaso.

Ano, kagalang-galang na mga Kongresista? Kagalang-galang ba ang mga iyan!? Oo raw sabi nila.

Agad winakasan ng limang (5) mambabatas ang kaso dahil wala naman daw kasusta-sustansiya ang kasong impeachment laban sa Pangulo. Gano’n ba?

Bolahin n’yo lelong n’yo. Hindi pa man inuumpisahan ang pagdinig batid na ng mamamayan ang resulta nito.

Yes, expected nang ibasura ang kaso sabi ng nakararami dahil mas nakararami sa miyembro ng komite ang kapanalig o kaalyado ng Pangulo. So, what do you expect, pababayaan nilang ma-impeach ang nagbigay sa kanila ng illegal DAP? No way. Ugaling Filipino tayo mga Tsong. Utang na loob bukod sa kapag tinabla nila ang pangulo ay malamang na maging sila ay maaapektohan o damay-damay.

Kaya, better luck next time na lang sa mga nagsampa ng kaso.

Pero, halimbawa kung nakitaan ng sustansya ang reklamo, sa palagay n’yo kaya ay ‘tutuluyan’ pa rin nila ang kanilang Pangulo, este Pangulo ng bansa?

Malabo yata iyon dahil nakapokus na yata sila sa pagsasabing walang sustansya ang kaso o reklamo laban sa Pangulo.

Walang sustansya daw ang kaso dahil wala naman daw ninakaw ang Pangulo at sa halip ay nagamit sa tama ang DAP. Sabi n’yo iyon. Pero tapos na ba ang pag-audit sa DAP?

So, ‘ika nga ay weder, weder lang ‘yan.

Sa mga nagsampa ng kaso, paano po na … patay na ang kaso. Makipaglibing na lang po kayo. Expected naman ninyo ang kalalabasan.

‘Di po ba? Batid naman natin na number game ang laro sa Kongreso noon pa.

***

Reklamo naman sa Luzon TODA sa Luzon Avenue, Quezon City ang inilapit sa atin ng mga residente dito.

Hindi lang ang kawalan ng disiplina sa pagmamaneho ang inirereklamo laban sa mga tricycle driver kundi maging ang kanilang pananamit. Dugyot daw ang nakararami sa kanila.

Bukod dito, sa 1,500 na pumapasadang tricycle sa Luzon Avenue, halos kalahati dito ay kolorum.

Attention Quezon City Tricycle Regulatory Unit (TRU), paki-aksyonan ang reklamo. Iyan ay kung hindi kayo nakikinabang sa mga kolorum.

***

Abangan naman ang panibagong raket ng mga taga-QC Hall sa mga bus terminal sa Quezon City na kanilang sinisingil para sa garahe. Ang 100 bus ng isang bus company na gumagarahe sa terminal ay pinalalabas lang nilang 50 bus. Abangan!

Mayor Bistek Bautista, bantayan po ninyo ang estilong ito ng paniningil.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *